^

Pang Movies

Jameson, ‘bininyagan’ ang newbie singer/actress

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa
Jameson, �bininyagan� ang newbie singer/actress
Jameson at Geraldine

Napasabak agad sa kissing scene ang newbie singer/actress na alaga ni Leo V. Dominguez na si Geraldine Jennings sa kanyang launching film na Isla Babuyan.

May kissing scene siya sa kanyang leading man na si Jameson Blake na obviously ay first time niya pero sey ni Geraldine ay hindi naman daw siya ninerbyos.

“It was fine, it was natural, it was normal, I wasn’t nervous at all, it was just normal, you know. He’s a nice person and I knew him beforehand, it wasn’t like I didn’t know him, so, yeah, it was good, it was fine,” pahayag ng newcomer sa kanyang media launch held last Friday.

Natanong din si Geraldine kung naguguwapuhan ba siya kay Jameson at natatawa niyang sagot, “yeah.”

Gusto raw niya ang dimples at mata ng aktor.

Si Geraldine ay isang half Irish-Bristish and half-Filipina dahil ang ama niya ay isang Northern Irish/British at ang ina niya ay isang Pilipina na si Gina Jennings. Dito siya ipinanganak sa Pinas but moved to UK in 2009.

Ayon kay Leo D. ay matagal na raw niyang kilala si Geraldine at ang mom nito at noon pa ay kino-convince na raw niya ito na mag-artista.

“Matagal ko nang kino-convince si Gina na mag-artista si Geraldine. Years and years ago pa. Bago pa mag-pandemic, kino-convince ko na sila,” sey ni LVD.

Kahit nasa UK si Geraldine ay hindi niya nakakalimutan ang bayang sinilangan at balik-balik siya sa Pinas para magbakasyon.

Almost 50% na raw ang natatapos nila sa Isla Babuyan at ayon kay Geraldine, “it was an amazing experience, it’s still ongoing, we haven’t finished it. It was challenging initially because it’s very different from studying it but everyone was so helpful, so friendly, and it was really natural to me. It was natural and felt normal and it felt great. I love it.”

Kasama rin nina Geraldine at Jameson sa Isla Babuyan sina Lotlot de Leon, Nathalie Hart, Paolo Gumabao, Dave Borneo, Samantha Da Roza at marami pang iba. Produced by Solid Gold Entertainment mula sa direksyon ni Abdel Langit. To be announced pa ang playdate nito.

Isko, sumunod sa desisyon ng korte

Pinalitan na Television and Production Exponents, Inc. (TAPE) ang titulo ng noontime show nila kahapon.

Hindi na ito Eat Bulaga kundi Tahanang Pinakamasaya na.

Ito ay matapos inanunsyo noong Biyernes ang pagkakapanalo nina Tito Sotto, Vic Sotto at Joey de Leon (TVJ) sa copyright infringement and unfair competition case laban sa TAPE at GMA Network.

Dahil dito ay ipinagbawal na ng korte na gamitin pa ng TAPE at GMA ang titulong Eat Bulaga.

Kahapon, sa live airing ng show ay nagbigay ng pahayag ang isa sa hosts na si Isko Moreno.

“Mga Kapuso, may balita tayong natanggap kahapon, kaya susunod tayo sa desisyon ng korte,” ani Isko.

“Pero fresh episode tayo mula ngayon at laging good vibes lang at love love lang,” dagdag niya.

“Ang mahalaga, hangga’t nandyan po kayo, kami ni Paolo (Contis) at ang ating mga kasama dito sa Tahanang Pinakamasaya ay tuluy-tuloy and tulong at saya at sorpresa,” sey pa niya.

Nagpalit na rin cover photo ang TAPE, INC. sa kanilang Facebook account at ang bagong logo na ng Tahanang Pinakamasaya ang nakalagay.

vuukle comment

JAMESON BLAKE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with