Pinagtatawanan na lang ni Miss Universe Philippines 2023 Michelle Marquez Dee ang mga umiintriga sa friendship nila ni Miss Universe Thailand Anntonia Porsild. Ayon kay Michelle nagkaroon sila ng “wonderful relationship” ni Porsild habang ginagawa nila ang sunud-sunod na activities ng Miss Universe pageant sa El Salvador.
Sa panayam ng CNN Philippines kay Michelle, sinabi ng beauty queen na malakas ang fanbase ng Pilipinas at Thailand sa Miss Universe at nagsimula raw ang lahat noong pilit silang pagharapin at ang kanilang fans na ang nag-aaway sa social media.
“When they started noticing we weren’t communicating or talking in a social setting, they started pinning us against each other, so the fans started fighting. That’s why we took our first photo together during rehearsals. We wanted to showcase that we’re okay, the Philippines and Thailand we’re in good terms, nothing to worry about,” sey ni Michelle sa naganap na Homecoming Media Conference sa GMA Studio 7.
Unlikely friendship daw ang nabuo sa kanila ni Porsild pero they were “able to create such a wonderful relationship.”
“We were each other’s support system. She has an amazing personality. I really cannot wait to see her again. There are things that we are working on,” sey ni Michelle na may project silang gagawin ni Porsild.
Si Porsild ang naging first runner-up sa Miss Universe at nangako raw ito sa kanya na kapag ite-turn over na nito ang kanyang korona, darating siya sa Pilipinas para mapanood niya ito. Ganu’n din ang pangako niya kay Porsild.
Magsisimula na soon si Michelle ng taping niya para sa Black Rider ng GMA Public Affairs.
Kimson, na-challenge sa pagiging male escort
Masaya ang Sparkle hunk na si Kimson Tan dahil sa challenging role na pinagkatiwala sa kanya sa teleserye na Lovers & Liars.
Sa naturang teleserye, gumaganap siya bilang si Kelvin Chong, dating anak-mayaman na naging male escort para maka-survive.
Daring nga siya sa first big teleserye niya dahil marami siyang eksenang shirtless at kita ang abs niya.
“It’s a challenging role pero nagawa ko po ng maayos. Ang galing kasi ng director naming si Direk Cris (Aquino). He brought out the best in my performance,” sey nito na napapanood namang nagku-comedy sa sitcom na Open 24/7.
Nagpasalamat din si Kimson kay Lianne Valentin na parati niyang kaeksena. Magaling daw itong sumuporta sa kanya bukod sa napakabait daw nito.
“Ang galing ni Lianne. Every time may scene kami, she helps me out. Maganda chemistry namin. Mabilis kaming nagkasundo,” ngiti pa niya.
Kasama rin sa Lovers & Liars sina Claudine Barretto, Shaira Diaz, Yasser Marta, Rob Gomez, Michelle Vito, Polo Ravales, Sarah Edwards, at Christian Vazquez.
Home Alone star Macaulay Culkin, pasok na rin sa Hollywood Walk of Fame
Sa wakas ay nabigyan na rin ng kanyang sariling star on the Hollywood Walk of Fame ang former Hollywood child actor na si Macaulay Culkin.
Sumikat si Macaulay dahil sa pinagbidahan niyang hit Christmas movie na Home Alone noong 1990. Naging in-demand siyang child actor at ginawa niya ang mga pelikulang Home Alone 2: Lost in New York, Richie Rich, My Girl, Uncle Buck, The Good Son, The Pagemaster at Getting Even with Dad.
Sa kanyang speech, dedicated ang kanyang star sa kanyang fiancee na si Brenda Song at sa dalawang anak nila na sina Dakota (2) and Carson (1) na first time niyang pinakita sa public.