Pagkatalo ni Michelle, natapatan ng 4 na panalo

Hindi man nagwagi si Michelle Marquez Dee sa Miss Universe, humataw naman ng panalo ang apat na Pinoy sa magkakaibang pageant sa iisang gabi lamang.

Nagwagi si RJ De Vera bilang Man Hot International 2023  sa coronation night noong November 25 kung saan tinalo niya ang walong contestants. Napanalunan niya ay P313,597 cash prize.

Si Stephen Harold Lilley Jr. naman ay nanalo bilang Great Man of the Universe 2023. Nauwi rin niya ang tatlong special awards: Best in Sports Challenge, Great Man of the Crown Legacy Hotel, The Great Man of Advocacy and Charity.

Winner si Jezebelle Alhambra Timmons bilang Miss Heritage Plus International 2023 na ginanap sa Bangkok, Thailand.

Isa pang Pinay ang nag-uwi ng korona at ito ay si Jeanette Reyes na nagwaging Miss Tourism Metropolitan International 2023 na ginanap sa Kuala Lumpur, Malaysia. Nauwi rin niya ang special award na Miss South East Asia Tourism Ambassadress 2023 special award.

Divas ng AOS, handa na sa Queendom

Mapapanood na ang divas ng All-Out Sundays na sina Julie Anne San Jose, Rita Daniela, Jessica Villarubin, Thea Astley, Mariane Osabel, and Hannah Precillas sa first concert nila na Queendom: Live. Magaganap ito on December 2, Saturday sa Newport Performing Arts Theater.

May kanya-kanya “queenly” qualities on and off the stage ang mga Kapuso biriteras na gamit nila sa pag-perform.

Para sa kay Julie Anne San Jose, kapag nagpe-perform daw siya lumalabas ang best version of herself.

Si Rita Daniela naman ay feeling queen kapag kapiling niya ang kanyang baby boy na si Uno.

Para kay Thea Astley, a queen is someone who knows how to listen.

Hannah Prescillas believes na ang maging queen ay dapat naging inspirasyon sa ibang tao.

Mariane Osabel says na ang pagiging persistent and optimistic ang strength ng isang queen. 

At para kay Jessica Villarubin, ang pagiging queen ay nagpapakita ng suporta sa kapwa niya.

Taylor, umabot sa 26.1-B ang global streams

Si Taylor Swift ang hinirang na Spotify’s Global Top Artist for 2023.

According to Spotify’s newsroom, Taylor achieved more than 26.1 billion global streams since January 1.”l

Sa kanyang Instagram, nagpahayag ng tuwa si Taylor:  “Um ok this is unreal?? I just wanted to say to anyone who listened to my music this year, anywhere in the world, thank you. Getting named Spotify’s Global Top Artist in 2023 is truly the best birthday/holiday gift you could’ve given me.”

Kaka-release lang ni Taylor ng bagong single titled You’re Losing Me (From the Vault) mula sa kanyang Midnights album.

 

Show comments