Natutuwa si Sen. Lito Lapid na buhay na buhay na naman ang action genre sa telebisyon. In fact, ang dalawang giant network na ABS-CBN at GMA 7 ay parehong action ang ipinalalabas sa primetime, ang FPJ’s Batang Quiapo ni Coco Martin at ang Black Rider ni Ruru Madrid. “Kasi ‘pag action ang ginawa, maraming nakikinabang. Mga extra, mga stuntman at maraming taong ginagamit,” sey ng action star/pulitiko sa early Christmas lunch with the entertainment press kahapon.
“Kita mo ‘yung Batang Quiapo, ‘yung simbahan ng Quiapo, pupunuin ng extra ‘yan, daming nakikinabang,” aniya.
Isa si LL sa cast ng FPJBQ at hindi maikakailang napakalaki ng kanyang kontribusyon sa programa bilang si Supremo lalo na nga pagdating sa action scenes.
At his age, kayang-kaya pa ni Sen. Lito ang mga mabibigat na action scenes and take note, siya talaga ang gumagawa ng stunts niya at ayaw niyang magpa-double.
“Alam kasi ng tao, stuntman ako, kahit noong nag-uumpisa ako sa Jess Lapid Story, hindi tayo nagpapa-double,” sey niya.
Pero aminado naman siyang maingat na rin siya sa paggawa ng mga buwis-buhay na eksena dahil hindi na siya bumabata.
“Medyo umiilag na rin ako, siyempre, may edad na rin, eh. Ang sinasabi nila, baka ma-Eddie Garcia ako, huwag naman sana. At ‘yun nga, nag-iingat na rin ako, baka ang iniisip ko, kaya ko, ‘yun pala, ang katawan ko, hindi na. ’Yun ang ikinakakaba ko,” sey ni Supremo.
Good thing, sa tinagal-tagal daw niyang gumagawa ng action ay wala pa naman daw siyang aksidente. “Sa tagal-tagal ko sa pelikula, ang dami ko nang kababalaghan na ginawa, mga stunt, mga ganito, hinahampas sa mesa, pero wala pa akong bali hanggang ngayon. Sana, huwag naman,” pahayag ni LL.
Kaya pa naman daw niya ang mga mabibigat na action scenes at minsan daw ay inaawat na lang siya ng production.
“Minsan gusto kong tumalon, minsan, tinanggal ang camera nu’ng direktor, sabi niya, ‘wag, hindi naman kailangan,’” kwento niya.
Pagdating naman sa pulitika, ayaw na raw niyang magsalita nang tapos kung tatakbo pa siya or hindi na dahil nagsalita na raw siya noon na hindi na siya kakandidato pero nakumbinsi ulit siya nitong nakaraang eleksyon at nanalo naman siya. “Last term na naman ako dito, kaya sinasabi ko, bahala na. Ayokong magsalita nang patapos, baka hindi ko na naman matupad,” aniya.
Lotlot, muntik mag-breakdown sa award ni Janine!
Proud mommy si Lotlot de Leon sa bagong achievement ng kanyang panganay na anak na si Janine Gutierrez.
Si Janine ang itinanghal na Best Actress para sa pelikulang Bakit Di Mo Sabihin (along with Max Eigenmann for 12 Weeks) sa katatapos lamang na 6th EDDYS awards night ng SPEEd (Society of Entertainment Editors).
Sa kanyang Instagram page ay nag-post ng pagbati si Balot para kay Janine at aniya, sa tuwing nananalo ang kanyang anak ay para na ring siya ang nanalo ng 100 beses.
“I am so grateful to our good lord for all the blessings you’ve been receiving anak.. at sa tuwing panalo mo parang nanalo na din ako 100 million times over,” sey ni Balot.
“Sa totoo lang when you started in the industry ang pangarap ko lang talaga ay maging magaling kang artista at talagang mahalin ang trabaho mo. ?
“Kaya talagang super bonus na itong mga karangalan na natatangap mo,” mensahe pa ni Lotlot sa anak nila ni Monching Gutierrez.
Sey pa ng aktres, muntik na raw siyang mag-breakdown sa tuwa sa nakamit na award ng anak.?
“I’m really happy for you anak grabe para akong mag-breakdown kagabi sa tuwa at nagpigil lang ako! ?
“I love you babe! Proud of you!” sabi ni Lotlot.
“Sa lahat ng bumubuo ng The Eddys Award, maraming maraming salamat po,” pagtatapos ng aktres.
Ginanap ang 6th EDDYS nitong nakaraang Linggo, Nov. 26, sa Aliw Awards.