Jillian, may pa-brand new car sa handler!

Jillian

Iba rin palang magpasalamat si Jillian Ward sa mga taong nangangalaga sa kanyang career. Isang brand new car ang iniregalo niya sa handler niya sa Sparkle GMA Artist Center, bilang pagpapakita ng taos-puso niyang pasasalamat sa taong nag-aasikaso sa kanya, na itinuturing na rin niyang pamilya. One of the prized possessions naman kasi siya sa GMA na siyang lead star ng Abot-Kamay na Pangarap na nagsimulang mapanood sa hapon since Sept. 5, 2022 at balitang matatagalan pa ang pagtatapos nito hanggang sa 2024.

Bukod sa afternoon series, may dalawang movies pa siyang gagawin, one with Senator Bong Revilla, Jr. na balitang malapit nang simulan ang shooting. Ang isa pa ay pagsasamahan nila ng kapwa niya dating child star na si Zaijian Jaranilla na naka-schedule nilang gagawin sa 2024.

Dahil sa success ng Abot-Kamay na Pangarap, #FeelingBlessedNgayongPasko ang mga global Pinoy sa Japan dahil makakasama nila ang cast ng top-rating drama show this December. Magaganap ang Ang Saya-Saya ng Pasko, sa Angel Park, Nagoya, Japan, sa Dec. 16-17, na dadaluhan nina Carmina Villarroel, Richard Yap, Ken Chan at Jillian.

Bea at Dominic, sa Spain muna

Tamang-tamang patapos na ang taping ng GMA Primetime series na Love Before Sunrise nina Bea Alonzo at Dennis Trillo, nang dumating na ang balitang opisyal nang residente ng Spain si Bea.

Ibinalita ito ng actress sa kanyang YouTube vlog at ibinalita rin niyang three weeks silang magbabakasyon ng boyfriend na si Dominic Roque at lilibutin nila ang iba’t ibang lugar sa Italy, Switzerland at Spain.

Makukuha na rin daw niya ang kanyang residency card na nagsasabing official resident na siya ng Spain at matitirahan na niya ang bahay na nabili niya roon na nagkakahalaga ng 500,000 euros or P30 million sa Madrid, Spain.

Ang Love Before Sunrise ay napapanood gabi-gabi, 8:50 p.m., sa GMA 7, pagkatapos ng Black Rider.

Kylie at Ruru, babalik sa Sang’gre!

Sa Instagram pinaabot ni Direk Mark Reyes ang pagbati kay Kapuso Primetime Action Hero Ruru Madrid pagkatapos ng pilot telecast ng Black Rider na pinagbibidahan ng actor. “Nice to see you and Kylie Padilla together on screen again. See you both in Lireo very soon for Encantadia Chronicles: Sang’gre. Hasne Evo Live Rama Ybrahim”  Sinagot din agad ito ni Ruru ng “Mahal na Emre! Avisala Eshma po! Di na din ako makapaghintay na manumbalik sa mundo ng Encantadia.”

Officially confirmed na palang babalik sa Sang’gre sina Amihan (Kylie) at Ybrahim (Ruru). At matatandaan na ipinakilala na rin ng GMA Network ang mga bagong gaganap na Sang’gre na sina Bianca Umali, Faith Da Silva, Angel Guardian at Kelvin Miranda, na siyang mangangalaga sa mga bato.

Humanga naman ang viewers kay Ruru dahil sa stunts na ginawa niya sa mga eksena ng Black Rider.

Pinuri rin nila ang mabilis na phasing ng mga eksena.

Gabi-gabi napapanood ang Black Rider, 8:00 p.m., sa GMA 7 after 24 Oras.

Show comments