^

Pang Movies

Anak’ ni Kiko, handang pa-DNA

ISYU AT BANAT! - Ed de Leon - Pang-masa
Anak� ni Kiko, handang pa-DNA
Cheska at Abegail
STAR/ File

‘Nakatanggap ng todong panlalait sa netizens si Abegail Rait, ang babaeng nagpakilalang naanakan ng rapper na si Francis Magalona. Binanatan din ang diumano’y anak nila na si Cheska, na papasok na rin daw sa show business.

Dahil na rin siguro sa sinasabi ng mga tao, natalo na nga si Abegail sa kanyang pagtakbo bilang Kagawad sa kanilang lugar sa Cavite, kaya may mga nagsasabing baka negatibo rin ang maging dating ni Cheska.

Nanatiling walang kibo sa mga kontrobersya ang legit na pamilya ng Master Rapper.

May ilang taong dikit din kay Kiko (Francis) na mukhang may alam sa totoong nangyari. Si Kiko, nakasama namin iyan noong nagsisimula pa lamang sa kanyang career. Pero nang lumaon na, marami na rin kaming ibang pinagkaabalahan kaya’t hindi na kami gaanong nakapag-usap.

Kung totoo man o hindi ang kuwento, wala na tayong pakialam. Nangyari lang naman iyan nang ipa-auction nila ang isang jersey na naiwan sa kanila ni Kiko, para ang makukuhang pera ay makasuporta sa mga pangangailangan ni Cheska sa pagpasok niya sa show business.

Maliwanag na bukod sa hindi na nakita ni Kiko ang bata, wala na rin siyang naitulong sa panganganak ni Abegail dahil may sakit na nga siya.

Simple lang ang pakiusap noong Abegail, alipustahin na ninyo siya kung gusto ninyo, huwag lamang ang kanyang anak. Isipin ninyo ang pinag­daanang buhay noong bata, ano man ang sabihin ninyo, napaka-unfair kung aani pa siya ng kung anu-anong masamang salita ganoong wala naman siyang ginugulo o hinahabol kundi inamin lamang niya na ang tatay niya ay ang Master Rapper. Hindi naman siguro kailangang umabot pa sa pagkuha ng DNA, pero sinasabi naman nila na payag silang isailalim sa DNA testing si Cheska kung talaga ngang kailangan iyon para lang magkaroon siya ng karapatang sabihin kung sino ang tatay niya.

Kylie, napaamin ni Boy

Ibang klase talaga ang King of Talk na si Boy Abunda, sa kanya lamang nagsalita si Kylie Padilla ng tungkol sa paghihiwalay nila ni Aljur Abrenica. Hindi sinabi ni Kylie na pinagsisihan niya ang kanyang naging relasyon kay Aljur dahil nagkaroon naman sila ng dalawang anak.

Pero hindi man aminin ni Kylie, alam siguro niya na dapat isa na siyang malaking star sa ngayon, kung nagtuluy-tuloy lamang ang kanyang career at hindi siya nagpabuntis kay Aljur. Hindi rin siguro naging magulo ang kanilang buhay kung napag-isipan nila at napaghandaan ang buhay may asawa.

Dahil walang trabaho, at inaasahan pa rin naman ng kanyang pamilya noon, doon nagsimula ang problema nila hanggang sa lumaki na at nagsanga-sanga na ang lahat na nauwi sa paghihiwalay nilang dalawa. Pero sabi nga ni Kylie natutuwa naman daw siya sa co-parenting arrangement nila ni Aljur sa kanilang mga anak sa kasalukuyan at ngayon naka-move on na at may iba na nga si Aljur, kailangan lang daw i-work out ang annulment ng kasal nila.

vuukle comment

ABEGAIL RAIT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with