Kapuso star na si Kazel, ‘di naramdaman ang pagmamahal ng tatay

Kazel
STAR/ File

Kahit kontrabida ang character ni Kazel Kinouchi sa Abot-Kamay na Pangarap, pinupuri naman siya, bukod sa maganda siya, mahusay siya sa pagganap niya bilang si Zoey Tanyag, na half-sister daw ni Dra. Annalyn Santos (Jillian Ward) kay Dr. RJ Tanyag (Richard Yap) sa top-rating Afternoon Prime drama series sa GMA. Relate na relate siya sa role na naghahanap ng pagmamahal ng ama na hindi rin niya naramdaman sa tunay na buhay dahil hindi niya nakilala ang kanyang Japanese father, since birth. “We haven’t met, I tried to look for him noong early 20s, pero by that time he passed away na pala, na nalaman ko lamang sa pinsan ko. Siguro kung may social media na noon, baka nahanap ko pa siya,” pahayag ni Kazel nang mag-guest siya sa Fast Talk with Boy Abunda last Thursday, Oct. 12.

Hindi raw naman naghanap ng tatay si Kazel dahil “I was full of love naman, I was a lola’s girl who raised me up, saka ‘yung tita ko, ayaw ko ring ilagay sa isang hindi komportableng sitwasyon ang mommy ko. May situations din sa serye namin na nakaka-relate ako, kasi, hindi ko rin tunay na ama si Dr. RJ sa story, siya ang tunay na ama ni Jillian, kaya hindi kami magkasundo sa story, ipinagdadamot ko siya kay Jillian, lalo na kapag nakikita ko kung gaano siya kamahal ni Dr. RJ.”

Napapanood ang Abot-Kamay na Pangarap Mondays to Saturdays, 2:30 p.m sa GMA 7, after Eat Bulaga.

Show comments