^

Pang Movies

Klosetang singer, kinabog ng bading sa audience

#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo - Pang-masa

Nataranta ang isang klosetang male singer nang sabayan siya ng isang bading na bumirit nang matindi sa kanya sa isang event sa probinsiya na kanyang dinaluhan.

Eh si male singer, mahilig bumirit nang may kasamang yabang, huh! Pero lalaki raw siya at ang girlfriend ay foreigner.

Upang maipagmalaki pa ang kakayahang bumirit, nagpa-challenge siya sa audience ng biritan.

May sumali naman na babae pero ang ikinaloka ni kloseta, nang may umakyat na bading upang bumirit din.

Kaso, mas magaling bumirit sa kanya si bading at natabunan ang birit ni male singer na pinalakpakan na rin ang bading na kumabog sa kanya!

Mayabang din ang klosetang singer kaya tiklop siya sa bading na mas magaling sa kanyang bumirit, huh!

Nanay ni Maggie, nakapiyansa na

Nakapagpiyansa na ang nanay ng beauty queen-actress na si Maggie Wilson na inaresto sa kasong carnapping ayon sa reports.

Naloka nga si Maggie na pati madir niya ay inaresto dahil nindi naman daw siya marunong mag-drive at walang lisensiya.

Hmmm… may duda si Maggie kung sino ang may pakana ng arrest kaya gumagawa na rin siya ng sariling hakbang upang panagutan ang ginawa sa nanay.

Hindi na natapos ang kalbaryo sa buhay ni Maggie, huh!

vuukle comment

MAGGIE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with