Mga nabiktima sa radio nagsumbong...Former dancer / toy collector na dawit sa scam, nakalabas ng bansa
Umalis ng bansa ang dancer / toy collector na si Yexel Sebastian, kasama ang kanyang partner na si Mikee Agustin patungong Japan matapos na umugong ang balitang idinadawit sila sa isang 200 milyong pisong investment scam. Pero hindi sila mapipigil ng immigrations officials, legal ang kanilang pag-alis sabi ng DOJ, dahil wala pa namang naisasampang kaso laban sa kanila ang mga nagrereklamo.
Sa halip kasing magsampa ng reklamo sa korte, ang ginawa ng mga complainant ay nagpunta sa programa sa radio ni Senador Raffy Tulfo, di kumalat lang ang reklamo nila, at kung naisipan man ni Yexel na lumabas ng bansa bago sila masampahan ng kaso, karapatan nila iyon.
Kung may mga reklamong ganyan, ang tamang venue para magreklamo ay ang korte, hindi ang isang programa sa radio.
May mga bagay na kailangang dalhin sa media, pero may mga bagay na hindi dapat pakialaman ng media dahil wala naman sa media ang kasagutan sa mga problemang iyon. Tingnan ninyo iyang mga nagreklamo rin kay Yexel, kung hindi ba naman sila nagpunta kay Tulfo at nagdemanda na agad sila eh, di hindi sana nakaalis si Yexel.
Alden, nililigawan ang fans?!
Napanood namin ang full video ng show, at nakita namin ang sincerity ni Alden Richards nang ma-interview siya ng King of Talk na si Boy ABunda. Mayroon na ba namang celebrity na “nakapagpaikot” sa King of Talk? Wala pa naman, at hindi naman siguro si Alden ang tipong magpapaikot sa mga nag-i-interview sa kanya.
Sa nasabing interview, tatlong babae ang nabanggit. Una na si Maine Mendoza na naka-love team ni Alden ng ilang panahon din. Sa puntong iyon nagpasalamat si Alden sa Eat Bulaga at sinabing sa show na iyon talaga niya napalabas ang kanyang potentials bilang matinee idol, ang tinutukoy niya siyempre ay ang TVJ. Kaya niya sinasabing siya ay forever Dabarkads at kung papayagan nga lang siya ng GMA, pupunta siya sa TVJ sa TV5.
After a long while, inamin din ni Alden na may panahong na-fall din siya kay Maine. Ang pagkakasabi pa niya ay “hypocrite po ako kung hindi and yes po, ayoko pong sabihing alam niya, pero I did, I did confess.” Kaya maliwanag na nagkagusto siya pero hindi siya nanligaw.
Pero hindi na sinundan iyon ng tanong ng King of Talk bilang respeto kay Maine at sa kanyang asawang si Congressman Arjo Atayde na kakakasal pa lang, at siguro naman iiwasan din ni Alden na sagutin pa kung may sumunod pang tanong.
Sinabi rin niya na sa ngayon wala naman siyang syota, at may pahapyaw pang hindi naman siya naghahanap sa ngayon.
May magsasabi na naman na gimmick iyan para makuha niya ang simpatiya ng fans dahil sa ipapalabas niyang pelikula kung saan hindi lamang siya artista at producer din. Siguro panliligaw na rin iyan sa fans para sa pelikula niyang kasali sa festival na kung saan kasama niya si Sharon Cuneta.
Mga ex ni LJ, ligtas na sa responsibilidad sa anak?!
Dapat matuwa sina Paulo Avelino at Paolo Contis, ngayong may isang magiting na lalaking nagpakasal kay LJ Reyes, na hindi nila nagawang pakasalan matapos nilang mabuntis at maanakan. Dapat pasalamat sila dahil may isang magiting na lalaking gagabay sa kanilang mga anak.
- Latest