Vanessa at Lauren, nabiktima ng mean girls!
MANILA, Philippines — Kapwa gumaganap na mean girls ang Sparkle stars na na sina Vanessa Peña at Lauren King sa bagong series ng GMA na Sparkle U.
Pero sa totoong buhay ay naging biktima sila ng mean girls sa kanilang high school.
Si Lauren na half-Australian ay inookray dahil sa kanyang freckles sa mukha. Dahil nga may foreign blood siya, normal daw na may imperfection sa kutis niya.
Naisip daw ni Lauren na ipatanggal ang freckles, pero may nagsabi na beauty mark na raw ang may freckles. In fact, may ibang girls na nagpapa-tattoo ngayon ng freckles sa mukha. Kaya naging trendsetter pa ang freckles ni Lauren.
Si Vanessa naman ay inokray ng mean girls dahil sa photos niya sa social media. Tinawag daw siyang “bumbay” dahil sa facial features niya. Hindi naman daw niya pinatulan ang mean girls dahil magaganda raw ang mga Indian women. Iniisip na lang niya na inggit lang ang mga mean girls sa Pinay beauty niya.
Nasa episode na #Frenemies ang dalawa kasama sina Roxie Smith, Shayne Sava, Anjay Anson, Abdul Raman, Michael Sager, Princess Aliyah at Zephanie.
- Latest