Tutok sa pagbabantay sa jowa, young actress babad sa gym!

Madalas palang nakatambay sa gym ng sikat na junior actor ang kanyang girlfriend na young actress (YA).

Eh para may magawa si YA, nagdyi-gym na rin siya. Pero sa source naming doon din nagdyi-gym, paikut-ikot daw ang mata ni YA habang nasa gym.

Abangers daw kasi si YA sa girls na doon din ang gym dahil baka landiin ng kanyang boyfie, huh!

Basta walang trabaho, asahan na nasa gym ng kanyang boyfriend ang YA kahit pagtinginan siya ng gym-goers!

Kc at Gabby, ‘di pinagkakaitan ni Sharon

Maayos na raw ang sitwasyon ng mag-inang Sharon Cuneta at KC Concepcion! Pero ayon sa isang malapit kay Shawie, binabantayan pa rin daw niya ang panganay nila ni Gabby Concepcion.

Sa pressccon ng Dear Heart: The Concert, nagpakawala na ng mahabang pahayag si Shawie tungkol sa sitwasyon ngayon nila ng panganay.

Nasaktan siya pero in the end, ang dugo ng pagiging nanay ni KC ang nasa puso at utak niya.

Basta ang binitiwan ni Sharon, “I don’t play favorites with my children!”

Alam niyang dugong Concepcion si KC at hindi niya ipagkakait sa anak niya ‘yon lalo na’t malapit na malapit na silang-ama!

Produced ng NY Entourage Productions at WEU Events Management Services with InLife MWell at Bingo Plus ang presenters habang ang Philippine Airlines, Okada Manila, LBC Express ang co-presenters in cooperation with Aboitz, McDonald, Katinko at Aivee.

Show comments