Gela, bida na rin sa serye!

Gela Atayde

MANILA, Philippines — Emosyonal pa rin si Gela Atayde sa pagkapanalo ng kanyang grupong Legit Status sa ginanap na World Hip Hop Dance Championship sa Phoenix, Arizona noong Agosto 6, 2023 (MegaCrew Division).

Ito ay matapos ipakita ng Kapamilya young actress sa nasabing kumpetisyon ang kanyang husay sa hiphop dancing, creativity and spunk.

Nanatili ang kanilang pangunguna sa buong kumpetisyon at ipinakita nilang walang kaparis na husay sa pagsasayaw at solid teamwork kung saan ay natalo nila ang 54 iba pang dance groups mula sa buong mundo sa kanilang mahusay na performance.

At nang i-announce na sila ang nanalo, thousands of fans and guests cheered na nagkaroon ng singing ng Philippine national anthem, representing the country with pride in front of international acts ayon kay Gela

“From all the sleepless trai­ning nights, missed events, injuries, failures, heartaches, and doubts to the great runs, good laughs, happy tears, great memories, and this championship. This is the hardest thing I’ve ever had to go through in my life so far but I am so grateful for how it turned out,” kumpisal ni Gela.

Bukod sa medal na natanggap nila, may cash reward ang Legit Status mula sa organizers ng nasabing dance competition sa Arizona pero hindi naman daw kalakihan ang halaga.

Pagkakalooban din sila ng pagkilala ng NCCA - National Commission on Culture and the Arts ng special citation.

Bukod sa kanyang show-stopping dance performances, handa na siyang gumawa ng marka sa pagbibida sa drama series na Senior High.

Ang inaabangang teleserye ng ABS-CBN at Dreamscape ay pinagbibidahan din ng hottest teen stars ngayon: sina Andrea Brillantes, Elijah Canlas, Zaijian Jaranilla, at Xyriel Manabat.

Aniya, very close to her personality ang ginagam­panan niyang role sa Senior High.

At makakatrabaho niya rito ang mommy niyang si Sylvia Sanchez and her best friend Kyle Echarri.

“Being part of a family that is passionate about acting has played a huge role in opening my eyes to the beauty of the craft. I am really grateful to all those who paved the way for me to tick another goal off of my bucket list. Senior High is really gonna be special for me, not only because it’s my first acting gig but also because I’m sharing the camera with my mom,” she said.

At kasabay siyempre ng kanyang pagiging full time sa showbiz ang mga kontrobersya na bahagi na ng career ng mga artista.

Pero aniya matapang at palaban siya.

“Pinakamatapang, mas palaban that’s what my Mom would say nga po. I think yes, I would say in terms of emotion mas straightforward po ako, I’m more frank and honestly that’s one of my fears po na in showbiz baka po I’m too frank naman po kasi I guess in terms of us siblings I would say ako po ‘yung pinakaprangka and pinaka-real. Hindi po ako takot magsalita,” pag-amin ni Gela sa interview sa isang welcome media conference na inihanda ng kanyang management team, Star Magic.

Kaya naman, pinaaalalahanan daw siya ng kanyang mommy na “She always reminds me po na to tone it down and kasi of course there’s a lot of things, subject to misinterpretation so yes and I understand that very well na po,” katuwiran niya.

Unbothered din daw siya sa mga intriga sa kanilang pamilya.

Hindi raw siya apektado lalo na noong nag-uumpisa ang relasyon ni kanyang Kuya Arjo Atayde and wife na niya ngayong si Maine Mendoza.

Show comments