Dahlia, lumalabas ang pagiging joker!

Erwan, Dahlia at Anne

MANILA, Philippines — Ang cute naman ng travel photos ng pamilya nina Anne Curtis at Erwan Heussaff at anak na si Dahlia.

Sa kanilang latest post sa social media, binahagi ng mag-asawa ang mga travel photo nila noong 2016. Kinumpara nila ang mga litrato noong sila’y mag-asawa pa lang hanggang sa kasama na nila ang daughter nila.

Ni-recreate nila ang mga litrato nila noong nasa Fuji Rock Festival sila, habang nakaupo sa isang river at nakasakay sa cable car.

Sa caption ng mister ng It’s Showtime host, “How it’s going

“How it started.

“Fuji Rock 2016-2023”

Kitang-kita ang saya sa mga ngiti ng pamilya nila lalo na ngayong kasama na nila si Dahlia na ang suwerte-suwerte dahil kung saan-saang lugar na rin nakakarating sa murang edad. Lutang na rin ang hilig nito sa adventures gaya ng parents niya.

Pinusuan naman ng netizens ang mga litrato nila at komento nga ng isang netizen ay lumala­king joker ang anak nina Anne at Erwan na laging pinapatawa ang parents niya.

Kaya naman laging nakaabang ang fans sa videos ni Dahlia na pino-post ng mag-asawa dahil nakakaaliw talaga ito.

Bongga.

Show comments