Rufa Mae, may promise sa anak na nag-graduate!

Rufa Mae at Anak

Ang bongga naman ni Rufa Mae Quinto. Proud mommy siya sa daughter niyang si Athena.

Masaya ang Sparkle star sa pag-graduate ng kanyang anak. Ibinahagi niya ang litrato ng anak sa graduation ceremony nito suot ang blue toga at cap.

Isa sa pinakamasayang pangyayari para sa isang magulang ay ang makita ang anak na nagmamartsa papunta sa stage at makatanggap ng diploma. Kaya naman siguradong marami ang naka-relate kay Rufa Mae na mga magulang.

Caption niya: “Happy graduation Anak! Love you and so proud of you my daughter! Sarap ng feeling bilang magulang!”

Mas naging proud pa siya nang makatanggap ang anak ng award sa school nito.

Sa isa pa nitong post, may mensahe siya sa kanyang daughter. Aniya mas gaganahan pa sila ng mister na magsumikap dahil sa achievements ng anak nila.

“Congratulations Athena, Grabe , I’m so proud of her. Lahat ng ng Alaga, turo namin ng Dad nya worth it . Mas gaganahan pa kaming Lalo mag sumikap para sa iyong education. Sarap ng feeling Mga friends! Go go go ! Todo na to! Kaya Salamat FFF HOORAY. Help help hooray!”

Anak ni Rufa Mae si Athena sa mister na si Trevor Magallanes.

Show comments