Herlene, tanggap na yumaman sa pagiging hipon!
Hindi raw naging issue kay Herlene Budol kung tawagin pa rin siyang Hipon ng maraming tao.
Kahit na napatunayan na niya na pang-beauty queen ang aura niya, hindi raw niya bibitawan ang name na Hipon dahil diyan daw siya nakilala at nagkapera.
“Ako, papayag pa rin pong Hipon ako dahil si Hipon, dito nakaipon,” sey ni Herlene na paisa-isang natupad ang mga gusto niyang makamit ng kanyang pamilya tulad ng bagong bahay, sasakyan at negosyo.
Naging daan din daw ang pagtawag sa kanya na Hipon para maging bida siya sa upcoming GMA Afternoon Prime drama na Magandang Dilag kunsaan leading men niya sina Benjamin Alves at Rob Gomez.
“Binubuhos ko ‘yung buong oras ko sa pagte-taping ko na sana magustuhan ng mga taong nanonood sa akin,” sey pa ni Hipon.
AIDAN, NA-CHALLENGE SA ASD
Masuwerte ang 18-year-old Sparkle Teen actor na si Aidan Veneracion dahil nabigyan siya ng challenging role sa murder mystery drama ng GMA na Royal Blood.
Sa kanyang kauna-unahang primetime teleserye, gaganap si Aidan bilang si Archie Royales, ang mentally-challenged son nina Mikael Daez at Megan Young.
Kinuwento ni Aidan ang naging audition niya para sa role na Archie na may sakit na autism spectrum disorder or ASD.
“Hindi po talaga ako naka-assign sa role na Archie, pero that day parang pina-audition po kaming lahat na mga boys. Hindi po ako nakapag-prepare for that role na mayroong ASD kaya nag-research ako.”
Kasama rin ni Aidan sa Royal Blood ang ka-batch niya sa Sparkle Teens na sina James Graham at Princess Aliyah.
- Latest