^

Pang Movies

Valerie, nakapagpatapos na ng anak   

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa
Valerie, nakapagpatapos na ng anak              

Marami na namang ‘umaaway’ ngayon kay Valerie Concepcion, dahil balik-kontrabida na siya sa GMA Afternoon Prime na Seed of Love, na pinagbibidahan nila nina Glaiza de Castro at Mike Tan.

Kung dati, sa Raising Mamay ay kinaawaan si Valerie, hate na hate naman siya ngayon ng televiewers, dahil kahit successful doctor ang role niya, obsessed naman siya kay Mike Tan na boyfriend niya kaya iniwanan siya nito.

“Inabot din kami ng three years bago natapos ang serye dahil sa pandemic,” kuwento ni Valerie. “Kailangang i-modify ang script to accommodate the changes. Bukod sa Seed of Love, nagsimula rin ako ng bagong show with Jennylyn Mercado and Xian Lim, nahinto rin iyon dahil naging preggy si Jen. Pero ngayon, may Dylan Jade na siya, and she’s ready na to go back to work, kaya tatapusin na namin ang Love. Die. Repeat.”

Ibinalita rin ni Valerie na happy siya sa personal life niya. College graduate na pala ang 19-year-old daughter niyang si Heather at happy siya sa husband niyang si Francis Sunga kahit naka-based ito sa Guam.

Six years na silang married at palitan daw sila sa pagbisita, siya sa Guam at si Francis sa Pilipinas.

Ang Seed of Love ay napapanood daily, 4:05 p.m. after ng AraBella sa GMA 7.

Matteo, bagong landas ang tatahakin

Tiyak na maraming gigising nang maaga sa Monday, May 15, para i-welcome rin sa long running morning show, ang Unang Hirit, ang nagbabalik-Kapuso na si Matteo Guidicelli, actor, triathlete and host, na handa nang gawin ang “missions” sa Kapuso Network, with a series of projects with GMA Public Affairs.

In turn, excited na rin ang Unang Hirit Barkada na makasama si Matteo dahil last year pa nga lumabas ang balitang magiging isa siya sa hosts.

Pagkatapos ng grand welcome at contract-signing, nagpasalamat si Matteo: “I cannot find the words to describe the feeling, I am very blessed and happy na natuloy. I’m very excited for what has to come. You guys welcomed me very nicely. It was very touching. Honestly, I’ve never felt this kind of welcome at work.”

At siyempre, sino ba ang mas masaya para kay Matteo sa bagong landas na tatahakin niya kundi ang wife niyang si Sarah Geronimo, na nagsabing, “love bagay sa iyo, you look good in Public Affairs.” 

vuukle comment

VALERIE CONCEPCION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with