Apo ni Isko, binyag na!
Isa nang ganap na Kristiyano si Scott Castro Domagoso, ang anak ng young couple na sina Joaquin Domagoso at Raffa Castro matapos itong binyagan on his first birthday last April 29 sa St. Michael the Archangerl Parish in Taguig City.
Si Joaquin ay anak ng actor at dating mayor ng Maynila na si Isko Moreno at wife nitong si Diana Lynn Ditan-Domagoso habang ang aktres na si Raffa ay anak ng celebrity couple at news anchors na sina Diego Castro at Angela Lagunzad ng OnePH ng Cignal TV.
Ang baptism reception at first birthday party ni Scott ay ginanap sa Atrium ng Enderun, Taguig na dinaluhan ng kanilang respective parents at mga kaibigan nina Joaquin at Raffa.
Kabilang sa mga tumayong godparents ni Scott ang mga kapwa Kapuso artists ni Joaquin na sina Sofia Pablo at John Gabriel. Naroon din ang ka-loveteam ni Sofia na si Allen Ansay, ang talent manager ng mag-amang Isko at Joaquin na si Wowie Roxas at kaibigan nitong dancer-choreographer na si Lynn Tamayo.
Sa ngayon ay wala pa sa immediate plans nina Joaquin at Raffa na magpakasal pero pareho silang focused as young parents ng kanilang anak na si Scott.
Samantala, tatlong Best Actor awards ang nakuha ni Joaquin mula sa iba’t ibang international film festivals sa ibang bansa para sa pelikulang That Boy in the Dark na pinamahalaan ng premyadong director na si Adolf Alix, Jr. Ito’y mula sa 16th Toronto Film and Script Awards na ginanap sa Toronto, Canada nung November 23, 2022, mula sa Five Continents International Film Festival nung nakaraang December 23, 2022, an online film festival in Venezuela at nung February 2, 2023 sa Boden International Film Festival in Sweden.
Tumanggap din si Joaquin ng best Youth Actor Award mula sa 2023 New York Independent Cinema Awards.
Si Joaquin ay isa sa limang anak ng mag-asawang Isko Moreno (Domagoso) at Dynee Ditan- Domagoso.
Dennis, matagal nang pastor sa Bilibid
Matagal nang nakakulong ang actor at dating kongresistang si Dennis Roldan (Mitchell Gumabao in real life) dahil sa kidnapping case ng isang 3-year-old old Filipino-Chinese kid nung August 2005 at panghabang-buhay ang hatol sa kanya.
Kung meron nang isang magandang bagay na nangyari kay Dennis sa loob ng kulungan ay ang pagiging malapit nito sa Diyos ngayon. Nagsisilbi siyang pastor sa kanyang mga kasamahan sa loob ng Bilibid.
Naiwan man sa labas ang kanyang pamilya, asawa’t mga anak, kapatid at iba pang mga kamag-anak, hindi naman nagpapabaya ang mga ito sa pagdalaw sa kanya at ipadama sa kanya na marami ang nagmamahal sa kanya.
Nasa loob man ng kulungan si Dennis ay proud siya sa kanyang mga anak na patuloy na gumagawa ng pangalan on their own tulad nina Marco, Michelle, at Paolo Gumabao.
Nakababatang kapatid ni Dennis ang seasoned actress na si Isabel Rivas na hindi rin nagpapabaya sa pagdalaw sa kanya. Ang isa nilang kapatid ay nasa Amerika habang ang isa pa ay pumanaw na.
Pinsan naman nina Dennis at Isabel ang magkapatid na sina Melissa Mendez at Glenda Garcia habang pamangkin naman nila ang entertainment segment host ng “TV Patrol” na si Gretchen Fullido.
Si Isabel ay may isang anak na si Richard Chua at misis nito ang dating Kapuso actress na si Nadine Samonte na meron nang tatlong anak.
When not busy in Manila, Isabel stays in her farm in Iba, Zambales.
Tulad ng kapatid na si Dennis, si Isabel ay proud aunt sa kanyang mga pamangkin na sina Marco, Michelle, Paolo, at Gretchen na pare-parehong successful sa kanilang respective careers.
- Latest