^

Pang Movies

Arra, ‘di pa nakaka-move on sa hiwalayan nila ng PBA player  

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa
Arra, ‘di pa nakaka-move on sa hiwalayan nila ng PBA player           
Arra at Juami

Lost and confused daw si Arra San Agustin dahil sa pag-reveal niya na hiwalay na sila ng PBA player boyfriend niya na si Juami Tiongson ng Terrafirma Dyip.

October 2022 raw naghiwalay ang dalawa at inamin ni Arra na hanggang ngayon ay nasasaktan pa siya sa nangyari.

Apat na taon din daw kasi silang nagkaroon ng relasyon.

“Last talk namin was first week of January, that’s when we we really cleared things out. Kasi ‘di ba kapag nagbe-break naman kayo minsan you go back and forth pa rin. It was painful in a sense na, sa sarili ko naisip ko na I can no longer find another man who’s exactly like him, ‘cause he’s my standard now. He’s so good, he’s really good, he’s a good guy, his family is good, he’s perfect,” sey niya.

Naging dahilan daw ng breakup nila ay ang pagiging busy ni Arra sa kanyang career. Naging dahilan daw ang trabaho para ma-outgrow nila ang feelings nila sa isa’t isa.

“In four years of my life parang lagi lang kaming nasa house, wala na masyadong growth. Pero dahil sa trabaho ko, I have to be proactive, so minsan nabe-blame ko siya dahil hindi ko nagagawa ‘yung ibang gusto kong gawin. Unahin ko pa rin ‘yung sarili ko dapat,” diin ni Arra.

Sey ng netizens na hindi dapat mag-alala ang Mga Lihim Ni Urduja star na wala siyang karelasyon ngayon.

Sa ganda niya, tiyak dahil tiyak na maraming pipilang lalake para ligawan siya.

Beauty, natupad ang pangarap kay Gina

Natupad ang matagal nang dream ni Beauty Gonzalez na makatrabaho niya ang award-winning actress na si Ms. Gina Alajar bilang direktor niya sa kauna-unahang paglabas niya sa Kapuso drama anthology na Magpakailanman na may titulong Takas Sa Impiyerno.

Matagal na raw niyang hinahangaan si Direk Gina at noong maging Kapuso siya, wini-wish niyang makatrabaho ito sa teleserye bilang direktor.

Thankful si Beauty sa MPK sa pagbigay sa kanyang ng magandang istorya na ‘di niya malilimutan.

Isa si Beauty sa hindi nawawalan ng proyekto sa TV. Pagkatapos ng Mano Po: The Flower Sisters, sinisimulan na raw niya ang teleserye with Carla Abellana na Stolen Life

‘70S TV star Robert Blake, pumanaw sa edad na 89

Pumanaw na ang ‘70s TV star na nagbida sa American series na Baretta na si Robert Blake sa edad na 89.

Ayon sa report, komplikasyon dahil sa heart disease ang kinamatay ni Blake sa kanyang tahanan sa Los Angeles, California.

Naging kontrobersyal ang Emmy Award-winning actor dahil sa pag-acquit sa kanya in 2005 for murdering his own wife, Bonny Lee Bakley. Pinatay si Bonny Lee noong 2001 sa pamamagitan ng isang gun shot sa labas ng isang Italian restaurant.

Agad na naging suspect si Blake dahil publicly known ang domestic dispute nilang dalawa.

Born Michael James Gubitosi on Sept. 18, 1933, in Nutley, New Jersey, mga parents ni Blake ay vaudeville performers na inabuso silang magkakapatid mentally, physically and sexually.

Nagsimula bilang extra si Blake sa mga pelikula sa MGM hanggang sa mabigyan siya ng magagandang roles sa mga pelikulang Our Gang, The Big Noise, Humoresque and The Treasure of Sierra Madre.

Sa TV ay nagsimula si Blake iba’t ibang roles hanggang siya na ang kuning bida bilang streetwise cop sa series na Baretta na umere mula 1975 hanggang 1978.

Huling napanood si Blake ay sa mga pelikulang Money Train (1995) at Lost Highway (1997).

ARRA SAN AGUSTIN

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with