^

Pang Movies

‘May kanya-kanyang season ang lahat…’

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa

Merry Pasko, Salve at sa lahat ng readers natin. At least naging maganda ang year 2022 natin kahit pa nga nag-pandemic at subsob ang economy. Except from some changes, maganda pa rin ang naging dating ng trabaho at kahit nga nagkasakit ako, feel ko pa rin ang magandang resulta ng trabaho natin. Kahit pa nga medyo slow ngayon ang trabaho, lahat naman ng nasa showbiz industry up and alive pa rin.

Palagay ko naman gaganda pa uli ang showbiz at babalik-sigla ang trabaho. May kanya-kanya namang season ang lahat. Ang taga-showbiz may tatag ng loob na matanggap ang lahat. Kaya merry at joyful pa rin para sa year 2023.

Dagul, wish makabalik ng showbiz

Ang bongga naman ng komedyanteng si Dagul. Nakatanggap siya ng mga regalo galing sa GMA Integrated News at GMA Kapuso Foundation noong Christmas Eve.

Nakakalungkot na pinipilit nila ng kanyang pamilya na maka-survive lalo na ngayong wala na siyang showbiz projects. Tanggap naman nila ng misis niya na hindi laging maganda ang takbo ng buhay. Sanay naman daw siya na hindi mayaman ang kanilang pamumuhay dahil siya mismo ay nanggaling sa hirap.

Wish ni Dagul na sana ngayong darating na taong 2023 ay makabalik siya sa showbiz para naman masuportahan niya ang kanyang pamilya dahil may dalawang anak pa siyang pinag-aaral. 

At dahil nga hirap sila ngayon, aminado siyang wala siyang panghanda ngayong Noche Buena. Kaya naman laking gulat nito nang bigyan siya ni Lhar Santiago ng Noche Buena package, mga pagkain at vitamins.

Todo pasasalamat naman ito sa mga natanggap na tulong at aniya may panghanda na sila. Bongga.

vuukle comment

DAGUL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with