Michelle, ipinasyal ang BF sa ‘Pinas

Ang bongga ni Michelle Madrigal. Mukhang enjoy na enjoy siya sa bakasyon niya kasama ang kanyang bagong boyfriend. Lutang ang saya nito sa piling ng bagong karelasyon.

Pinost nito sa kanyang social media account ang pamamasyal nila sa iba’t ibang lugar sa Thailand. At pinasyal din pala niya ito sa Pilipinas. Sinolo lang nila ang pamamasyal dahil ayon sa post nito ay next time isasama na nila ang mga bata.

Nakakatuwa naman dahil naipakilala na rin niya ang foreigner boyfriend sa kanyang pamilya at mga kaibigan.

Mabuti na lang at maayos ang naging hiwalayan nila ng kanyang ex-husband na si Troy Woolfolk dahil nang pinost niya ang intimate photo nila ng bagong jowa sa isang beach ay nakapag-comment pa ito, na hudyat na walang bad blood sa pagitan nila. Hindi rin maganda kung sakaling bitter sila sa isa’t isa gaya ng ibang celebrity na naghiwalay lalo na at may daughter sila.

In-announce nila ang kanilang hiwalayan noong August 2021 at na-finalize na rin ang kanilang divorce matapos ang walong buwan.

Pero hanggang ngayon ay hindi pa pinapangalanan ni Michelle ang kanyang boyfriend. Kaya naman ang netizens siguradong mas naiintrigang alamin ang identity ng gwapong jowa ng dating aktres.

Sa post nito, tinawag niya itong K na best travel partner niya kaya naman nagkaroon ng clue ang fans tungkol sa name nito.

Siguradong hindi titigil ang mga ito hangga’t hindi nalalaman ang name nito. Bongga.

Show comments