BB at Carmina, hinihintay mag-chikahan

Cute naman iyon mga photo ni BB Gandanghari lalo na iyon mga kuha nila ni Mommy Eva.

Makikita mo na tanggap na tanggap ng pamilya niya si BB na kabaliktaran sa mga intriga noon.

Maganda rin makita na parang comfortable na ang lahat sa buhay ni BB.

Ang hihintayin ko ay sana maging guest siya ni Carmina Villaroel sa kanyang show.

Magiging big welcome iyon para sa lahat.

Cute siguro ang magiging conversation nilang dalawa. Iyon palitan ng dialogues, exciting tiyak.

Sana nga mangyari para maging big news ngayong December.

Palagay ko naman, wala nang magiging problema ‘di ba? Parehong mature at very liberal ang thinking ng dalawa kaya sure na ok lang ang idea na magkasama sila sa TV o kahit sa kani-kanilang YouTube channel bagama’t maganda pa rin kung sa TV sila mapapanood.

Sylvia, mabuting kaibigan

Siguro nga kaya suwerte si Sylvia Sanchez kasi nanatili siyang humble at kind mula noon hanggang ngayon. Kahit pa nga heto pati ang batang-bata niyang anak na si Arjo Atayde isa nang Congressman, ganun parin ka-humble si Sylvia.

Kaya naman tuwang-tuwa at maligaya para sa kanya ang mga close friend niya.

Sana lahat ng artista maging tulad ni Sylvia na laging nakatungtong sa lupa ang mga paa. At kahit pa nga alaga niya si Ana ‘Mark Up’ Goma alam mo na hindi magkatulad ang ugali nila.

Never siguro magsasamantala sa isang kakilala niya si Sylvia. Never ­niyang sisirain ang tiwala sa kanya ng kaibigan niya. Kaya bow ako kay Sylvia, isang mabuting ina, asawa, at kaibigan.

Show comments