^

Pang Movies

Iwa, naloka sa mga batang pulubi na nagpapa-gcash!

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pang-masa
Iwa, naloka sa mga batang pulubi na nagpapa-gcash!
Iwa

Na-share ni Iwa Moto sa TikTok ang experience niya sa mga batang namamalimos. Kuwento ni Iwa, maggu-grocery siya at dahil may e-wallet naman siya, hindi na siya nagdala ng cash at hawak lang ang susi ng kotse at phone, lumarga na.

Pagkatapos makapamili, lumabas na ng grocery si Iwa at doon niya nakita ang tatlong bata na ang description pa nga niya sa laki ay small, medium large. Nanghingi ng pera ang mga bata pambili raw ng food at ang isa naman, para makauwi na sila.

Dahil wala ngang dalang pera, sinabihan ni Iwa ang mga bata na wala siyang barya at ikinagulat niya ang sumunod na pangyayari. Sabi raw ng pinakamaliit na bata, tumatanggap siya ng GCash at kasunod noon, inilabas ang kanyang phone.

Hindi napansin ni Iwa, baka iPhone o kaya Samsung o iba pang brand ng mamahaling smartphone ang baget.

Naloka at hindi nakapagsalita si Iwa dahil major upgrade na pala ang mamalimos ngayon. Inabangan din daw siya sa harap ng car niya na ang dating, parang hindi siya papayagang makapasok sa kotse niya.

Nadine, todo rampa sa Australia

Nasa Sydney, Australia si Nadine Lustre dahil ‘yun ang nakalagay sa location sa post niya sa kanyang Instagram. Sa isang photo, kasama niya ang mahusay na fotog na si BJ Pascual at ang isang picture, kasama niya ang Thai actor na si Gulf Kanawut.

Nakasulat din sa post ni Nadine ang #GucciGarden na ibig sabihin, ang Gucci ang nag-invite sa kanila. Sa event, iba ang suot ni Nadine at sa pa-lunch ng Gucci, bongga ang suot niya at pati menu, pinost din nito at nabasa ng follo­wers ni Nadine na walang meat sa menu at four dishes lang ang sinerve.

May nagpasalamat kay Nadine for representing the Philippines at nakita raw ng ibang guests sa Gucci Garden ang ganda at beautiful skin color lalo na’t ang ganda pa ng makeup ni Nadine, kaya lalong lumutang ang ganda nito.

Kris, inokray ang biniling raincoat ng mister para sa kanilang doggie

‘Katuwa ang IG story ni Kris Bernal tungkol sa bini­ling raincoat ng asawa niyang si Perry Choi para sa Italian Greyhound dog nila. Pinost ni Kris ang dog nila suot ang

kulay pink na raincoat at may caption na “Ano ba tong mga binibili ng asawa ko?”

Pinost din nito si doggie Elle na suot ang raincoat, nakaupo sa coach at video ito na naglalakad si doggie na suot pa rin ang raincoat. Napa-comment si Kris ng “Raincoat but more like PPE.”

Inookray ni Kris ang raincoat ni Elle, pero mukhang mamahalin dahil mahal ang stuff for dogs. Saka, kulay pink pa, kaya ang gandang tingnan.

Mas lalo sigurong galante si Perry kapag para na sa magiging mga anak nila ni Kris ang kanyang bibilhing mga gamit. Kaya lang, wala pa yatang balak magkaanak ang mag-asawa.

vuukle comment

IWA MOTO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with