^

Pang Movies

Herlene at iba pang kandidata, nabudol sa Uganda

RATED A - Aster Amoyo - Pang-masa
Herlene at iba pang kandidata, nabudol sa Uganda
Herlene

Kanselado na nga ba ang Miss Planet International sa nakatakda sanang gawin sa Uganda sa darating na Nov. 19?

Gaano katotoo ang balita na ‘nawawala’ umano ang CEO ng beauty pageant organization na si Pedro Francisco dahil sa rami ng problemang kinakaharap nito na may kinalaman sa nasabing international pageant kung saan si Nicole Herlene Budol na mas kilala as “Hipon Girl” ang kinatawan ng Pilipinas?

Dahil sa pagiging disorganized at rami ng problema ng Miss Planet International kung saan kinatawan ng Pilipinas ang Bb. Pilipinas 1st runner-up na si Nicole Herlene Budol, nagdesisyon ang manager nitong si Wilbert Tolentino na i-pull out na sa nasabing pageant ang kanyang alaga.

Bukod kay Herlene, nag-post na rin sa kanilang respective accounts ang kinatawan ng Czech Republic at Jamaica na kanselado na umano ang nasabing pageant at nag-apologize sila sa kanilang supporters dahil sa ‘fiasco’ na nangyari sa kanila sa Uganda na siyang lugar ng pageant. Marami umano sa kanila ang stuck sa Uganda na walang nag-aasikaso sa kanila at sila na mismo ang gumagastos sa sarili nilang pagkain.

Sobrang disappointed ang manager ni Nicole Herlene na si Wilbert dahil bukod sa ginawang paghahanda ng kanyang alaga, gumastos umano sila ng pera, nag-effort at naglaan ng oras pero napakagulo umano ng organisasyon kaya nagdesisyon siyang i-pull out na ang kanyang alaga.

Nagsimulang magsidatingan sa Uganda ang delegates mula sa iba’t ibang bansa last Nov. 5 and 6 only for them to find out na na-scam umano ang mga kandidata and their entourage.

Although nagsimula nang mag-post sa kanilang respective Instagram accounts ang kinatawan ng Czech Republic and Jamaica na kanselado na umano ang Miss Planet International beauty pageant, hindi pa nagbibigay ng official statement ang organizer nito sa Uganda.

Robin, walang bakas ng pagiging senador

Ang number 1 senator (sa huling halalan) at dating action superstar na si Robin Padilla ang special guest ng ika-41st anniversary celebration ng Viva kung saan isinabay ang unveiling ng Project: Wall of Fame kung saan nakasabit ang uniformed black and white framed photos ng homegrown stars ng Viva throughout the years tulad ng megastar na si Sharon Cuneta, action superstar na si Robin Padilla, Pop superstar na si Sarah Geronimo, Anne Curtis, Donna Cruz, Vina Morales, the late Eddie Garcia and Leroy Salvador at marami pang iba.

Inabutan namin si Sen. Robin sa tanggapan ni Boss Vic (del Rosario) na agad tumayo at nagbeso at yumakap sa amin.

Napaka-grounded pa rin talaga hanggang ngayon ng mister ni Mariel Rodriguez at walang kaere-ere kahit iba na ang estado nito ngayon.

“Kung naging action superstar siya noon, phenomenal naman ang kanyang panalo bilang senador dahil bukod sa wala siyang (political) machinery, wala rin siyang pera at tumakbo pa siya bilang independent candidate,” nakangiting pahayag ni Boss Vic.

Puring-puri rin ni Boss Vic si Robin dahil hindi umano ito nakakalimot sa mahahalagang okasyon ng Viva.

Wala ring trace ng senador si Robin nang ito’y bumisita kay Boss Vic dahil suot pa rin nito ang kanyang traditional action star letter jacket with matching maong jeans.

Nakita rin namin sa nasabing okasyon ang isa pa sa original ‘babies’ ng Viva na si Andrew E.

Samantala, ngayong unti-unti nang bumabalik ang mga manonood sa mga sinehan, tuluy-tuloy na rin ang pagpapalabas ng Viva Films ng kanilang movies bukod sa sexy films na palabas sa Vivamax streaming app na meron nang over 4 million subscribers.

Meron ding dalawang movie ang Viva sa darating na Metro Manila Film Festival, ang Deleter ni Direk Mikhail Red na tinatampukan nina Nadine Lustre, McCoy de Leon at Louise de Los Reyes at ang Partners in Crime kung saan tampok na mga bituin sina Vice Ganda at Ivana Alawi. Ito’y joint production ng Star Cinema at Viva Films.

Earlier, ipinalabas na rin sa mga sinehan ang pelikulang Always na balik-tambalan sa movie ng magkasintahang Kim Chiu at Xian Lim gayundin ang Expensive Candy nina Julia Barretto at Carlo Aquino. Marami pang ibang projects ang naka-line up sa bakuran ng Viva na nakatakdang ipalabas sa mga sinehan.

HERLENE NICOLE BUDOL

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with