Keempee, sanay na sa mga bading!   

Keempee

Masaya si Keempee de Leon, na after ng more than 10 years na hindi siya nakagagawa ng movie, ay kinuha siya ni Direk Perci Intalan para gawin ang Mahal Kita, Beksman sa Viva Films.  Inamin ni Keempee na na-miss niya ang movie, dahil madalas ay drama TV series ang ginagawa niya, na nakaka-drain daw ng emotions. “Dito, nag-enjoy ako kasi masaya lang kami lagi during the shoot.”

Hindi ba siya tumanggi na isang gay dad kay Christian Bables ang role niya?

“Hindi naman, sa totoo lang, may daughter na akong 25 years old, na kapag kasama ko ay sinasabi nilang ang bata raw ng girlfriend ko, sabi ko, anak ko siya. I’m 49 years old na ngayon, si Christian is 27, kaya pwede ko na siyang maging anak ko.”

Bakit hindi tumatanggi si Keempee na gumanap na gay, na mahusay niyang nagagampanan?  “Kinalakihan ko na sa daddy ko, (Joey de Leon), na gumaganap siyang Barbie sa mga movies niya, kaya nasanay na ako. Nagustuhan naman ng mga viewers ang pagganap ko ng gay (showing na simula sa Nov. 16).”

Dingdong, may bagong title

Congratulations sa Kapuso Primetime King Dingdong Dantes na may isa pang tawag ngayon sa kanya, as Game Master, dahil sa pagho-host niya ng number one game show sa GMA Network, ang Family Feud PH, na extended na hanggang next year.

Samantala, may mga nagtatanong kung saan daw kaya dinadala ni Dingdong ang jackets niyang isinusuot sa show dahil napansin na hindi siya nag-uulit ng pagsusuot ng jacket Mondays to Fridays, since nagsimula siyang mag-host ng show. Isa pang comment.

Ang Family Feud PH ay napapanood Mondays to Fridays, 5:40 p.m. sa GMA 7.

Miguel at Ysabel, next year na ulit mapapanood

Finale episode na ng What We Could Be na collaboration ng Primetime series ng GMA Network at Quantum Films, nina Miguel Tanfelix, Ysabel Ortega at Yasser Marta on Thursday, Oct. 27, 9:30 p.m., after Start-Up PH sa GMA 7.

Lovely pair sa katatapos na The Sparkle Spell, ang first Halloween Party ng GMA, sina Miguel at Ysabel. 

Maraming nag-expect na si Miguel ang magiging Best Male Dressed, pero mas pinili ng judges ang costume niya as Edward Scissorhands, as the Scariest Costume.

Next project ng magka-love team ay ang upcoming Voltes 5: Legacy na dinirek ni Mark Reyes, early 2023.

Show comments