G Toengi, ‘di makakalimutan si Erik
Kamakailan lamang ay nasa bansa ang Swiss-Filipina singer-actress at dating MTV Asia VJ na si G Toengi for a 10-day visit and business trip.
Si G ay kasalukuyan nang naka-base sa Los Angeles, California with her family – ang kanyang husband (of 17 year), ang American na si Tim Walters at dalawang anak na sina Sakuran Anne Marie (17) at Kenabi Benjamin (15) na pareho nang teenager ngayon.
Bukod sa kanyang pagiging wife and mother of two, si G ay in-demand ding host sa iba’t ibang Filipino community in California at siya rin ang tumatayong Communications and Community Partnership Director ng Island Pacific, isang chain ng Filipino supermarket na pag-aari ng mister ng dating aktres na si Krista Ranillo na si Niño Lim na may 18 branches all over California and Nevada.
Kasamahan ni G sa nasabing kumpanya ang dati ring MTV Asia VJ at actress na si Donita Rose bilang Corporate Chef.
Nag-relocate na rin sa LA si Donita at kamakailan lamang ikinasal sa kanyang second husband, ang Filipino US-based gospel singer na si Felson Palad.
Sa kabila ng regular job ni G sa Island Pacific, involved din siya sa iba’t ibang non-profit civic organizations sa Amerika at kasama na rito ang FILAMARTS para sa Fil-Am artists sa America kung saan siya ang tumatayong executive director.
Isa rin si G sa tumatayong Board of Directors sa Likhaan Center for Women’s Health, Inc. who champion sexual reproductive health and rights sa Pilipinas at isa sa mga rason ng kanyang recent visit sa Pilipinas.
Si G ay may special participation sa pelikulang Labyu with An Accent na pinagtatambalan nina Coco Martin at Jodi Sta. Maria at isa sa mga kalahok na pelikula sa Metro Manila Film Festival ngayong Disyembre. Ang ilang eksena ng pelikula ay kinunan sa America.
Taong 2000 nang bumalik ng Amerika si G kasama ang kanyang pamilya. Hindi nito ikinakaila na namasukan siyang bartender sa isang resto-bar in New York bago siya nag-relocate sa Los Angeles, California.
While in New York ay nag-aral din siya ng acting classes sa isang leading acting school in New York.
Nang mag-move siya ng LA ay doon niya nakilala ang kanyang mister na ngayon na si Tim Walters na isa ring bartender sa isang kalapit na resto-bar.
Nang bumalik ng Pilipinas si G ay sinundan siya rito ni Tim at kasunod na rito ang proposal at kanilang pagpapakasal sa isang beach wedding in Boracay.
Nagpabalik-balik silang ng Amerika at Pilipinas at sa kalaunan ay nagdesisyon silang mamirmihan na sa Amerika kasama ang dalawa nilang anak.
Ayon kay G (Giselle) hindi magiging possible ang lahat kung hindi dahil sa pagiging supportive ng kanyang mister na si Tim.
“My family is my strength and inspiration,” aniya.
Although open pa rin naman umano siya sa kanyang acting career, masayang-masaya si Giselle sa kanyang buhay sa Amerika kapiling ang kanyang pamilya.
Up to this time ay hindi umano niya makakalimutan ang kanyang kaibigang actor, director at producer na si Erik Quizon dahil ito umano ang naging dahilan ng kanyang pagpasok sa showbiz.
Baron, maraming hugot sa Doll House
Marami ang pinaluha ng mahusay na actor na si Baron Geisler sa kanyang Doll House which is currently streaming at number 1 sa Netflix. Kasama niya sa movie ang child actress na si Althea Rueda kasama sina Ricardo Cepeda, Alwyn Uytingco at iba pa mula sa panulat ni Onay Sales at direksiyon ni Maria Ancheta.
Wala mang big star sa nasabing pelikula, ang pagkakalahad ng kuwento at mahusay na pagkakadirek at portrayal ng cast na pinangunahan ni Baron ang nagdala sa pelikula para ito’y tangkilikin sa streaming app ng Netflix Philippines.
Pagkatapos ng Doll House, tiyak na may follow-up projects si Baron hindi lamang sa bakuran ng Viva kundi maging sa ibang produksyon. Hindi rin kami magtataka kung magiging in-demand writer si Onay Sales at director na si Maria Ancheta.
Sa rami ng pinagdaanan sa buhay ni Baron at kasama na rito ang kanyang mga nagawang iskandalo sa showbiz, marami talagang paghuhugutan ang actor na pinaniniwalaan ng marami as the young John Arcilla pagdating sa acting.
- Latest