Ang sweet ng negosyante at kolumnistang si Wilson Flores na may-ari ng Kamuning Bakery.
‘Yung Kamuning Bakery niya ay para lang isang hobby para sa kanya, dahil ang dalas niyang mag-sponsor ng mga meeting, meet the press doon na lugi pa yata siya dahil may giveaways pa siyang pandesal para sa lahat ng pumupunta.
Mura at high quality ang mga ginagawang tinapay ng the only pugon bakery na lang yata na natitira sa buong Pilipinas.
Talagang ginawa ni Wilson Flores ang lahat para ma-save ang pugon ng bakery matapos itong tupukin ng apoy ilang taon na ang nakakalipas.
Good luck, Wilson Flores, masarap talaga ang mga pandesal mo, bongga.
Wait ko ang padala mo sa Martes.
‘Life is unfair…’
Siguro sa panahon ngayon na ang dami ng naghihirap, mas dapat maging sensitive tayo sa pagkukuwento ng presyo ng mga damit o alahas ng stars.
Parang ang sakit sa tenga na marinig na milyon ang suot ng isang star samantalang ang dami nang nagugutom.
Ngayon nga kahit photos ng mga kinakain huwag nang i-post, dahil marami ang nagugutom.
Maging sensitive na tayo dahil iba na rin ang panahon ngayon.
Oo nga at suwerte ng mga maayos ang buhay, pero isipin din natin na dapat huwag na nating ipakita pa ito sa ibang hindi naging masuwerte ang kalagayan.