Nasa dialysis na naman ako kahapon, Salve. Apat na oras na naman akong nakasalang sa dialysis machine.
Ang nakakainis ang aga pa ng schedule, 7 to 11 a.m.
Talagang dusa ako.
Pero heto ang eksena, hitsurang ang aga, very cheerful pa rin ang mga kasabay ko sa dialysis, mga naka-smile at ang sarap ng bati sa mga dumarating.
Naku ha, bakit sila ganun?
Ang aga na nagpapagamot, pero smiling pa rin. Dapat nga siguro ganun ang attitude, Salve, take it in stride.
Kung anong dumating sa buhay mo, tanggapin mo na lang. Hindi na mababago iyan, wala ka nang magagawa.
Naku, people watching na naman ako, sulat na lang ako or else makaisip na naman ako maghanap ng kaaway.
Albee Benitez, laging maaasahan
Bongga si Tet de Joya. Talagang super work hard siya na ikuha ako ng red enve kay Papa Albee Benitez, at alam mo namang basta sa red enve laging bongga ang Papa Albee.
Talagang hindi mo puwedeng pigilan ang Tet at Faye sa pagtulong sa friends nila. Kaya naman kung uso pa ang darling of the press, sure akong winner ang Tet de Joya. At kahit anong sabihin mo, talagang laging maasahan si Papa Albee.
Bongga siya talaga, kaya suwerte ni Pat-P Daza na inabot na rin ng more than two years na working sa kumpanya ni Papa Albee.
Thanks, forever grateful.