MANILA, Philippines — Ang dapat sana ay pasabog na vlog at pictorial, ay dinagsa ng batikos, pangaral etc. kaya’t nag-sorry ang sexy star / vlogger na si Donnalyn Bartolome ang kanyang 28th baby-theme pictorial.
May mga natuwa naman lalo na ang kalalakihan na babad sa social media pero mas marami ang kontra sa nasabing pictorial – kung saan sinabi niyang ‘me as your baby’ na pakiramdam ng lahat ay nag-create ng sexual fantasies para sa mga baby.
May photo siyang dumedede na parang isang baby at may isa pang naka-bib lang at diaper habang may nakasubo sa bibig pero ang kita ang paligid ng boobs.
As in malaswa nga naman at pakiramdam nila nagbigay ng idea sa mga manyakis.
Bawi niya sa post : “It was an honest mistake, it was never my intention to enable one of the most horrifying acts here on Earth. “
“I couldn’t remove my post right away because I needed it to copyright the photos to prevent the spread of it furthermore until I got a go signal from Facebook and other socmed managers, an assurance that they know I am the owner of the photo and they’ll help me correct this by taking down all of the posts involving this photoshoot,” aniya.
Pero ang mga nakakakilala raw sa kanya, natuwa sa ginawa niyang ‘yun pero nang mabasa raw niya ang mga comment, doon niya na-realize ang lahat.
“Almost a million people across socmed platforms thought of it light and funny because they know my personality and didn’t look at it that way hence our initial reaction to the idea was the same.. but upon reading other people’s perspective, I completely agree. I feel terrible, sick to my stomach and had disturbing flashbacks I’d rather not say.
“I was called crazy for being overprotective to all of my siblings, ones I took care of since they were babies. It has come to the point where I had to go to a psych to understand my actions because the level of protectiveness was quite extreme, all I’m saying is I’ve taken care of children since I was 11 years old, this was the last thing I would ever intend to do.”
“Thank you to everyone who let me know, especially those who did it so kindly, you’re the type of people who help me become a better person everyday as I hold the responsibility of influencing millions. It’s not easy.. but I’ll do my best.
“While you’re here. I’d like to use this attention for those who want to help abused children.. There is a care-facility I was admitted in when I was a minor: Nayon ng Kabataan,
“The children admitted there carry so much pain, you can donate or send them little gifts to make them feel better,” ang bahagi ng post niya sa Facebook.
Isa si Donnalyn sa may malaking following sa iba’t ibang social media platforms kaya naman talagang kinakarir nito ang pictorial.
Pokwang, nagsalita sa ‘Karma’
“Wag mapagod sa mga anak.’”
Paalala kahapon ni Pokwang sa kanyang social media post kahapon.
Sa nasabing post nga ay sinabi ni Pokwang na payapa ang paghihiwalay nila ni Lee O’Brian.
Pinasalamatan din ni Pokwang ang kanyang Nanay Gloria na naging inspirasyon niya raw sa pagiging matatag.
“ Yes its been seven months since tapusin namin ni papang ang lahat, pero maayos at mapayapa, at bilang magkaibigan na lamang mas nagagampanan namin ang mga tungkulin bilang magulang ni Malia, natapos man ito sa di inaasahang panahon hindi dito hihinto ang pagiging nanay ko sa mga anak ko. at mas lalo kong minahal ang mga biyayang sakin ay binigay ng panginoon. ikaw aking nanay Gloria ang aking inspirasyon sa pagiging matatag at matibay na nanay. salamat sa iyo at alam kong lagi kang nakagabay sa amin ng mga apo mo kaya ni minsan at kailan man di ka mawawaglit saking mga dasal.
“sa mga single parent na kagaya ko hindi karma ang natapos na pagmamahalan kundi mas pinapatatag ka at pinaghahanda ka sa mas magaganda at mas maraming biyaya. hindi karma ang mabiyayaan ka ng mga anak na nagpapasaya at nagpapangiti sayo araw araw at dahilan ng pagsisikap mo sa buhay #Wagmapagodparasamgaanak.”
Back-to-Back Ng LOL at Showtime, umpisa na sa july 16
Wala na nga raw atrasan ang back-to-back airing ng Lunch Out Loud and It’s Showtime sa TV5 beginning July 16.
Ang narinig ko, mas mauunang eere ang LOL at saka susunod ang Showtime.
Ang sini-settle na lang daw ngayon ay kung anong oras ang umpisa ng airing ng LOL.
Matagal ang naging negotitation ng Brightlight Productions and ABS-CBN ayon sa narinig kong kuwento.