^

Pang Movies

Dondon at Direk Erik, maraming nakalinyang collab sa abroad!

RATED A - Aster Amoyo - Pang-masa
Dondon at Direk Erik, maraming nakalinyang collab sa abroad!

Taong 2001 nang unang magkakilala sina Dondon Monteverde at ang award-winning screenwriter and director na si Erik Matti dahil bukod sa pagiging producer ay isa rin siyang talent manager.

Si Dondon ay isa sa mga anak ng legendary movie producer na si Mother Lily Monteverde ng Regal Entertainment kung kanino niya minana ang pagiging producer and businessman.

Ang Viva Films ang unang nagbigay ng break kay Direk Erik nang ipagkatiwala sa kanya ang pagdidirek ng Scorpio Nights 2 na pinagbidahan ni Joyce Jimenez in 1999.

A few years later, nagkasundo sina Dondon at Direk Erik na magsosyo sa isang film company na kanilang pinangalanang Reality Entertainment. Since then, tuluy-tuloy na ang business partnership ng dalawa.

Dahil sa global appeal ng mga movie-produced projects ng Reality Entertainment, unti-unting nakilala ang Reality Entertainment maging ang director na si Direk Erik sa international film market na siyang nagbukas ng iba’t ibang opportunities sa kanilang kumpanya ni Dondon sa iba’t ibang international collaborations. Dahil dito, nagdesisyon ang dalawa (Dondon ang Direk Erik) na palitan na ang Reality Entertainment to Reality MM Studios. MM stands for Monteverde and Matti. At kasunod na rito ang kanilang pag-sign up ng limang mga bata, baguhan ngunit mahuhusay na director para matulungan sila sa development ng iba’t ibang proyekto intended for international release. Ang mga ito ay sina Joey de Guzman, Dean Marcial, Kerwin Go, Mina-Anud na nakatanggap ng Singapore Financing Forum in 2017. Kasalukuyang dini-develop ni Direk Kerwin ang Filipino gothic horror film na Maniatica.

Ang ikaapat na director na lumagda sa Reality MM Studios ay si Siege Ledesma, ang kaisa-isang babaeng director na kinuha nina Dondon at Direk Erik.

Sa limang bagitong director, si Kip Oebanda ang familiar sa amin dahil siya ang nagdirek ng Liway na nagpapanalo ng Best Actress sa Kapuso actress na si Glaiza de Castro sa Cinemalaya nung 2018.

Lahat silang limang mga baguhan at batang director ay hindi lamang award-winning directors na may kani-kanya nang magkakahiwalay na proyekto na sisimulan anyday soon at isa rito ay isang Korean project to be directed by a Filipino director habang ang iba naman ay may tie-up din sa ibang international film companies. Ito’y bukod pa sa content for HBO and Netflix.

Dahil sa Reality MM Studios, hindi lamang ang bagong directors ang malalagay sa mapa ng international filmmaking kundi pagkakataon din ito na mag-shine ang Filipino actors sa ibang bansa.

DONDON MONTEVERDE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with