Chef Jose, bibisitahin si Maria Ozawa sa Japan
Happy si Chef Jose Sarasola na umabot na sa third season ang cooking show nila ni Iya Villania na Eat Well, Live Well, Stay Well at marami raw silang mga bagong recipes na ise-share sa mga suki nilang manonood. “We started this cooking show during the pandemic in 2020 and naging malaking tulong ang show, especially our sponsor na Ajinomoto, for making people love cooking during the lockdown. Siyempre, healthy food with a different twist ang pinakita natin sa kanila. Para ‘yung simpleng putahe ay mas nale-level up pa,” sey ni Chef Jose.
Bukod sa pagiging celebrity chef, tumatanggap din daw ng acting jobs si Chef Jose paminsan-minsan.
“Whatever work comes my way this year, whether it’s continuing my cooking career here sa GMA or you know, teleserye or a show, anything that comes, anything that pops up, I’ll accept it naman,” sey pa niya.
Dahil marami ang biglang nag-aasawa at nagkakaroon ng pamilya during the pandemic, wala pa naman daw personal plans si Chef Jose kung pag-aasawa ang pag-uusapan. “For my personal life this 2022, my goal is to stay happy and healthy. There no planning, whatever comes up. Just good health for all of us and I hope this thing doesn’t anymore explode and hindi na dumami ang mga cases.”
Kasalukuyang nasa Japan ang girlfriend ni Chef Jose na si Maria Ozawa. Nag-decide raw na umuwi muna ng Japan ang former adult film actress last year para makasama nito ang kanyang pamilya.
Bibisita raw si Chef Jose kay Maria kapag maluwag na ang restrictions sa pagbiyahe sa ibang bansa.
Nikki Co, na-challenge sa pagiging masama
Breakthrough role para sa Kapuso actor na si Nikki Co ang pagganap niya as Jameson Chan sa GMA Telebabad series na Mano Po Legacy: The Family Fortune.
Kontrabida si Jameson sa pamilya Chan kaya sa auditions pa lang daw ay pinakita ni Nikki na gusto niya ang role at kailangan mapunta sa kanya ito.
“’Yung role ko kasi very different siya sa akin so ‘yun pa lang, challenge na siya sa akin. I had to really prepare kasi grabe ‘yung extent nung kasamaan ni Jameson,” sey ni Nikki.
Ikinatuwa pa ni Nikki ang makatrabaho ang mga veteran actresses na sina Ms. Boots Anson-Roa, Maricel Laxa, at Sunshine Cruz.
“Working with ‘yung mga veteran actors natin, grabe naman po ‘yung pagiging welcoming nila. We created ‘yung chemistry together. Tinutulungan na rin po nila kami in the scenes that we make.
“Very excited ako sa iba pang scenes na gagawin namin. Mayroon na kaming nakunan na medyo mabibigat na eksena which I really felt good with,” diin ni Nikki na produkto ng StarStruck Season 6 at laging gumaganap na best friend ng bida sa ilang teleserye.
Cher, ‘di kayang mabuhay na hindi black ang hair
Inamin ng music icon and Oscar winner na si Cher na hindi niya kayang mabuhay na hindi siya nagda-dye ng kanyang buhok.
Ayon sa 75-year old singer-actress, naging signature na niya ang kanyang long black hair simula pa noong ‘70s at wala raw siyang balak na tumigil sa paggamit ng hair dye. “Going gray is fine for other girls. I’m just not doing it!” sabay tawa niya.
Hindi raw tulad ni Cher ang mga aktres na sina Andie MacDowell, Jane Fonda and Sharon Osbourne na tanggap na ang pagkakaroon ng silver strands.
Nasubukan na raw ni Cher ang mag-platinum blonde pero bumabalik pa rin daw siya sa color black. “I liked all my looks, really. And I made some decisions that were ridiculous, but I don’t care,” diin pa niya.
Dahil sa hilig din sa makeup ni Cher, kinuha siya ng MAC para sa bagong campaign nito. Nang tanungin siya what is her approach to beauty? Ang sagot niya ay it’s all about having fun. “I just think that people who worry about the way someone puts on their makeup should get a life,” tawa pa ni Cher.
- Latest