Ritz Azul, ikinasal uli sa asawa

Kinasal uli si Ritz Azul sa husband niyang si Allan Guwi kahapon sa Palawan.

Wala pang isang buwan nang una silang pakasal sa Baguio.

Si Allan Guwi ang first and only boyfriend ni Ritz.

Galing sa mayamang pamilya ang mister ni Ritz, hindi raw basta milyonaryo kundi bilyonaryo.

At least worth it ang paghihintay ni Ritz na consistent naman talaga sa pagsasabi noon na gusto niya na kung sino ang first boyfriend niya ay siya na ring maging partner niya ala-Sarah Geronimo.

Napagkamalan pa siya noong tibo dahil nga very open siya sa pagsasabing virgin pa siya at wala pang nagiging boyfriend kahit 20 something na siya. “Dream wedding destination on our dream wedding date with the best suppliers and close friends. Thank you so much, everyone!” sabi ni Ritz sa kanyang post kahapon.

Gerald, umiskor ng 15 sa harap ni Julia

Wow, pumuntos ng 15 si Gerald Anderson sa kanyang laro sa MPBL para sa Gen San Warrior the other night.

Dahil kaya present ang girlfriend niyang si Julia Barretto?

Pumupuntos naman siya sa mga dati niyang laro pero may pagkakataon kasing minsan mababa ang number of points niya.

Hinihintay na sa kasalan din humantong ang relasyon nina Gerald and Julia.

Show comments