^

Pang Movies

Direk Bert de Leon, pumanaw din sa COVID

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa
Direk Bert de Leon, pumanaw din sa COVID

Nagulat kami at hindi nakapagsulat agad, nang malaman namin na yumao na si direk Bert de Leon. Si direk Bert ang isa sa nagsimula at nagpasikat ng Eat Bulaga. Marami siyang shows noon sa mga istas­yon sa Broadcast City. Nitong huling araw, nagdirek siya ng Bubble Gang at Pepito Manaloto sa GMA 7.

Na-COVID si direk, tapos nagkaroon ng kung anu-anong komplikasyon, pati na sakit sa puso. Ang tagal niya sa ospital, noong isang araw lang narinig namin ang mga panawagan sa tulong, umaabot na raw sa dalawang milyon ang kulang nila sa ospital. Naubos na rin ang kalahating milyong kinita ng isang fundraising para sa kanya.

Natatandaan namin, matagal na rin noong huli kaming magkita ni direk Bert. Nagkita kami sa Aliw Theater dahil nanood din siya ng concert noon ni Sergio Mendez. Matagal na namin siyang kakilala at kaibigan, “mga bata pa tayo noon” ang natatawa ngang sabi niya.

Nakakalungkot talaga wala na siya.

Naghihintay kami ng iba pang detalye, hanggang sa umabot na nga ang oras ng aming deadline, wala pa ring balita. Linggo kasi, kaya mabagal ang dating ng mga balita.

Ang pinag-uusapan pa nila ay ang pagpasok na rin ni Presidente Digong sa trabaho namin. Guma­gawa na rin kasi siya ng blind item.
YORME, WHOLESOME ang dating

Ang unang pelikulang Pilipino na sasabak sa commercial theater circuit sa Miyerkules ay ang Yorme. Isang musical movie. Delikado, sabi nila dahil ang huling pelikulang musical na isinali pa sa MMFF at nanalo pa ng mga award ay hindi nanalo sa takilya.

Kung iisipin ang umiiral na restrictions sa mga ipinalalabas na pelikula sa ngayon sa mga sinehan, ano ang chances ng Yorme?

Nagising kami Linggo ng madaling araw. Palabas sa telebisyon iyong musical na hindi kumita. Maganda ang pelikula, maganda ang musika, pero ang mga kanta, tila pang opera. Hindi kayang kantahin ng mga tao kung ang timbre ng boses mo ay hindi tenor, o hindi coloratura soprano. Hindi pagkakamali iyon, dahil iyon ang gusto nila. Pero kahit na sa Hollywood, ang mga ganoong pelikula ay hindi kumikita. Kumikita iyan sa Broadway, pero iba ang audience ng opera kaysa sa mga manonood ng sine. Batay sa record, ang kumita lang na musical ay ang Sound of Music ni Julie Andrews, iyong Camelot, mga pelikula ni Elvis Presley, mga nauna pang pelikula nina Gene Kelly at Fred Astaire. Iyong mga ganoong klaseng musical ang gusto ng mga nanonood ng sine, at ganoon ang Yorme.

Simpleng masaya ang mga kanta, sinabayan ng simple at masigla ring sayawan. May sumasayaw sa basurahan. May sumasayaw sa may tulay. Kantahan at sayawan na walang pretentions. Walang ibang intention kundi aliwin lamang ang manonood sa kanila.

Siguro nga huwag naman tayong umasa ng masyadong malaking hit. Huwag ninyong asahan kagaya ng KathNiel, o Vice Ganda, o Vic Sotto. Ang bida sa Yorme ay sina Xian Lim, McCoy de Leon at Raikko Mateo. May pandemya pa, at takot pa ang taong lumabas, kung ‘di man masasabing wala pang pera dahil nagbabayad pa ng utang dahil sa dalawang taong lockdown.

Pero palagay namin kikita ang pelikula. Iyan ay pagtatangkang makapaghatid ng wholesome entertainment.

Ang ganyang efforts ang dapat nating suportahan, hindi iyong nakapagbibigay ng masamang halimbawa sa ating mga kabataan.

Matrona, handang gastusan ang dating sexy actor

May nakakuwentuhan kaming isang may edad na rin namang biyuda. Mayaman siya at maraming negosyo.

Nagulat kami dahil noong nagtatagal na ang usapan, nagtanong siya sa amin kung alam daw namin kung nasaan na ang isang poging sexy star noong araw, na galing din sa isang clan ng mga artista. Nasabi naman naming ang narinig naming huli ay may negosyo na at hindi na interesado sa showbiz.

Sabi ng matrona, “kaya ko siyang ipag-produce ng pelikula, kahit ilan.” Ang poging sexy star pala ay ilusyon ng matrona noong araw pa. Pinipilit pang ipakilala raw namin siya sa poging male star.

Gagawin pa kaming booker?

BERT DE LEON

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with