Veteran American musician and record producer na asawa ni Suklay Diva Katrina Velarde, pumanaw
Six months lamang tumagal ang pagsasama ng mag-asawang Katrina Velarde (27) at ang veteran American musician and record producer na si Michael `Mike’ Shapiro (in his 60s) dahil pumanaw na ang huli.
It was only last May 2021 nang ikasal ang dalawa sa Tagaytay City at dito na rin sa Pilipinas ang mag-asawa namirmihan dahil gustung-gusto umano ni Mike ang kulturang Pinoy at narito ang trabaho ng tinaguriang Suklay Diva na si Katrina na isang Viva recording artist.
Nung magkasintahan pa lamang ang dalawa, pabalik-balik ng Amerika si Katrina o kung hindi man ay si Mike ang dumadalaw sa kanya sa Pilipinas hanggang magdesisyon ang dalawa na magpakasal eventually.
Si Mike ay ex-husband ng sikat na German jazz artist at hitmaker na si Kevyn Lettau (62).
As of this writing ay wala pa kaming nakuhang detalye kung ano ang cause ng pagkamatay ng mister ni Katrina.
OPM icon Heber Bartolome, namatay sa edad 74
Nagluluksa na naman ang local music and entertainment industry sa maagang pagpanaw ng OPM icon, folk rock singer, songwriter, musician, poet, professor, painter at founding member ng Banyuhay Band at nagpasikat ng mga OPM hits na Nena at Tayo’y Mga Pinoy na si Heber Bartolome. Siya’y pumanaw sa edad na 74 nung nakaraang Lunes ng gabi, Nov. 15. One week before his death ay nagawa pa nitong i-celebrate ang kanyang ika-74th birthday na dinaluhan pa ng kanyang mga kaibigan including folk rock singer, actor at director na si Cesar Montano.
Si Heber ay tubong Cabanatuan City, Nueva Ecija. Siya’y nagtapos ng Fine Arts sa University of the Philipines at nagturo ng Filipino Literature sa De La Salle College kung saan niya naging estudyante ang mister ni Rep. Vilma Santos-Recto na si Sen. Ralph Recto at ang mister ni Angeli Pangilinan-Valenciano na si Gary Valenciano nung early `80s.
Although late `60s pa nagsimula si Heber sa kanyang music career, it was only in the mid or late `70s sumikat ang singer-songwriter and musical nang lumabas ang kanyang hit songs na Nena at Tayo’y Mga Pinoy at iba pa niyang hits.
Kilala si Heber sa kanyang protest songs o may social relevance sa kanyang mga likhang awitin tulad ng Ihip ng Hangin, Awit Pambata, Tumindig Ka, Istambay at iba pa.
Ang music talent ni Heber ay minana niya sa kanyang mga magulang na sina Deogracias Bartolome at Angelina Gonzalez-Bartolome. Ang kanyang ama ay dating pastor at head ng isang rondalia. Isa rin siyang guitar ang violin maker habang ang kanyang ina ay isang zarzuela singer noon. Naging bahagi rin si Heber ng ROTC band at UP Concert Chorus nung siya’y estudyante pa.
Nagsimula siyang magtanghal sa ilang folk houses nung late `60s. Naging founder din si Heber ng UP Astrology Society in 1974.
- Latest