Bong at Lani, malungkot at masaya sa kasal ng daddy’s girl!

Talagang matanda na ako, Salve. Kaloka na ‘yung inaanak ko sa binyag na si Gianna Revilla ay ikakasal na next week. Favorite daughter ni Bong Revilla si Gianna dahil ipinanganak ito nang tumakbo siya sa Cavite na forget ko na kung vice governor o governor.

Gianna Victoria ang buong pangalan niya dahil nanalo si Bong sa unang pagtakbo niya kaya inilagay ang Victoria. Lumaking malambing at very sweet si Gianna kaya naging papa’s girl. Hindi nga makapaniwala si Bong na ikakasal na ang anak, dahil parang bata pa rin ito para sa kanya. Talagang sobra ang bilis ng panahon, ang dati ay paslit na karga mo, ngayon magiging housewife na. Ang dati ay batang naglalaro lang sa garden ng compound, ngayon ay magkakaroon na ng sariling pamilya.

Kita mo ang lungkot at saya sa mga mata nina Lani Mercado at Bong Revilla sa nalalapit na kasal ni Gianna. Lungkot dahil hihiwalay na sa kanila ng tirahan, pero saya dahil alam nila na maligaya ito sa napili para maging sandalan niya sa buhay.

Masaya sila na malaman nasa mabuting kamay ang anak na si Gianna.

Sa aming inaanak, best wishes and congrats.

Harlene, proxy bilang first lady ni Herbert

Wow, Salve ha. Na-meet mo pala si Harlene Bautista, naalala ko tuloy si Sneezy na friend niya.

Mabait na bata si Harlene noon pa man kahit kapatid niya ang sikat na Herbert Bautista, nanatili siyang tahimik at magalang. Very sweet si Harlene kaya isa siya sa aces ni Herbert na malaking tulong sa pagiging pulitiko nito. Kaya nga kahit pa walang official first lady si Herbert, si Harlene ang nagiging proxy niya kung minsan.

Imagine mo kung gaano kabilis ang panahon. Batang-bata pa si Harlene noon, ngayon isa nang maligayang maybahay na tumutulong pa rin sa kanyang kuya Herbert. Natuwa naman ako na nag-text siya dahil binabasa niya raw ang Instagram ko.

Thanks for the text, Harlene. As always, napakabait mo pa rin.

Show comments