^

Pang Movies

Childish issues, kinokonek agad sa bullying

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa
Childish issues, kinokonek agad sa bullying
Ji Soo

Hindi ako maka-get over dun sa issue ni Ji Soo na isang Korean actor. Iyon bang noong nasa middle school siya sinabi na nam-bully siya na dahilan ngayon para tumawag ng boycott sa career niya.

Hanggang ngayon kasi vague sa akin ang issue ng boycott. Hindi ko maintindihan ang parameter. Kasi ‘di ba common sa mga bata ang nag-aaway-away, nagkakasakitan, nag-iiyakan? Sobra yata ‘yung sensitivity natin ngayon na hindi na natin matanggap ang mga away-bata, o ‘yung nagkakaroon sila ng  childish issues.

Noong bata ako, la­ging sira ang uniform ko pag-uwi ng bahay at lagi akong napapalo ng nanay ko, dahil napunit ang uniform ko sa pakikipag-away. Noong bata ako, lagi akong naka-‘stand, go to the corner’ dahil nga pasaway ako at laging nakikipag-away sa babae at lalaki kong classmate sa Moises Salvador Elem School.

Sa neighborhood namin, ayaw ng mga nanay makipaglaro sa akin ang mga anak nila, dahil rough daw ako at maingay. May time pa nga na sa klase, bawal lumapit sa akin ang classmates ko dahil laging ang ending merong umiiyak dahil sinaktan ko.

Lumaki akong haragan at parang gun moll, tomboy at lalaki ang mga kalaro dahil sobrang arte ng mga babae na parang mga bata pa, prim and proper na, hah hah, fragile sila, samantalang very tough at rough ako.

Kaya ‘di ko maintindihan ‘yung issue ng bully, dahil noong bata ako, bully ako sa kapwa ko bata, pero ang mga matanda, binu-bully naman ako at discriminated ako. Pero hindi naman naging issue, bakit ngayon, konting bagay parang binibigyan agad ng kulay. ‘Pag umuwi umiiyak ang bata dahil inaway ng kapwa bata, bully na iyon?

‘Pag nagalit ang matanda sa isang bata, binu-bully na niya ang bata? Hindi kaya dahil diyan kaya marami ang mga lampa sa atin, marami ang emotionally weak, kasi nga, konting bagay, binibigyan natin ng kulay. Hindi tuloy nakahanda sa bigger challenge at laban ‘yung mga lumalaking bata, konting problema, nagiging bipolar na sila, konting bagay, may suicide tendency na.

Hayaan nating bata pa, alam na nila ang cruelty ng mundo, ‘yung handa na sila. Hindi lang physical, spiritual, financial ang dapat matatag ang tao, mas magandang matibay siya emotionally.

Mas kaya niyang harapin ang problema. Kung may nam-bully sa iyo, labanan mo, o kung hindi mo kaya, iwasan mo. Madali lang solusyon ‘di bah, bakit ginagawa nating complicated.

ANTI-BULLYING AND ABUSE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with