May bagong music show daw na iho-host si Edward Barber for ABS-CBN titled Fresh Take.
Walang binanggit kung magkakaroon siya ng co-host sa programa, which may start daw anytime soon.
And if plan do not miscarry, matutuloy din ang show ni Edward, isang talk program naman, titled Kwentong Barbero, anytime soon din.
By now, cleared nang walang namagitan sa kanila ni Maymay Entrata, tulad ng napabalita noong bagong labas both silang dalawa bilang housemates ni Kuya in the reality TV series, Pinoy Big Brother (PBB) Lucky 7 ( circa 2016).
While sa nabanggit na labanan, si Maymay ang champ, Edward placed fourth lang. Ganunpaman, naging ‘daan’ ang contest para makapasok si Edward sa showbiz.
British si Edward.
Mga bagong kanta ni Maymay, maririnig na
On the other hand, may ilalabas namang dalawang bagong awitin si Maymay, titled Hindi Kawalan at Kakayanin Kaya.
As Maymay said, considering daw ang hirap na kanyang dinanas bago niya natamo ang kung anumang tagumpay na mayroon siya ngayon, walang hindi siya kakayanin.
Balitang may bagong nagpapatibok ng puso ngayon ni Maymay, who is only 24 years old.
Edward is 20 years old lang.
Carla, bongga ang bahay sa Tagaytay
Of PBB ‘graduates,’ so to speak, we also have Tom Rodriguez, whose real name is Bartolome Alberto Mott.
His dad is an American; his mom, A Filipina.
Yes, tuloy na ang kasal ni Tom this October sa Kapuso talent na si Carla Abellana.
But because busy si Tom with a new assignment for the Kapuso, The World Between Us, co-starring him with Alden Richards and Jasmine Curtis-Smith, si Carla ang nag-aasikaso sa kanilang nalalapit na pag-iisang dibdib, na gaganapin sa Madre de Dios Church sa Tagaytay City.
Heard, may napakagandang bahay na sa Tagaytay City na naipatayo si Carla.
Arabella, walang planong isuko ang pag-aaral
Hindi dahilan ang pagkakaroon na ni Arabella del Rosario, bagong star ng Star Magic, ng promising showbiz career, para iwanan na muna niya ang pag-aaral.
Arabella is currently a veterinary student sa De La Salle Araneta University.
Suwerte raw siya at tulad niya, masigasig din sa pag-aaral ang kanyang boyfriend na si Jimuel Pacquiao, panganay sa apat na anak ng Pambansang Kamao na si Manny Pacquiao.
Like her, Jimuel is a Star Magic Talent, too. And determined as well na sumikat bilang artista. Jimuel completed both his elementary and secondary education sa international school.
Hindi pa tiyak kung anong kurso ang kukunin niya sa college.