Jaya, tuloy na tuloy na sa US!
No turning back na ang desisyon ni Jaya to leave for the US, with her three children. Yes, to join husband, Gary Gotidoc, who already has left and has a job there.
Hindi man aminin ni Jaya, kahit regular siyang napapanood sa noontime show, It’s Showtime, bilang isa sa regular judge ng segment na Tawag Ng Tanghalan, her income is not as it used to.
Known as the Soul Diva or Queen of Soul, she was a most in demand performer before the pandemic.
Bale ba, recording star pa siya.
Well, let’s wish Jaya luck sa kanyang bagong endeavor.
Rhian, hindi na pasaway
Nami-miss daw ni Carla Abellana si Coney Reyes, who plays her formidable ‘mother-in-law’ sa magtatapos na series, Love of My Life.
Sobra raw kasi talaga ang galing ni Coney, na first time niyang makatrabaho.
Ditto with Rhian Ramos, who plays the original love ng kanyang brother-in-law, played by Mikael Daez, after her husband (played by Tom Rodriguez, would you believe) died.
Pinanonood namin, Salve A., ang Love of My Life, kaya, napansin talaga namin na gumaling na rin si Rhian.
Dati kasi siyang pasaway, ‘di ba? Lalo’t magaganda nga ang projects na naibibigay sa kanya.
Mabuti, Rhian learned her lesson before it’s too late.
Well, totally hiwalay na rin daw si Rhian sa kanyang Israeli boyfriend.
Diego, hindi pa rin naging close kay Cesar
Grabe pala ang impact na ginawa sa kanyang buhay nang ma-meet at makilala niya finally ang kanyang amang si Cesar Montano, pagtatapat ni Diego Loyzaga.
His mom, of course, is Teresa Loyzaga, who entrusted him sa kanyang mga magulang na naka-base sa Australia.
Binata na si Diego nang dinala siya ng ina sa Pilipinas, at kaagad, naging busy as an actor.
Ganunpaman, ang pag-aakala niyang magiging daan ang kanyang pagpasok sa showbiz para maging close siya sa kanyang ama ay hindi nangyari.
Na kung sabagay, ay hindi rin nangyari between Cesar at sa kanyang mga anak na babae kay Sunshine Cruz.
Well, balik-showbiz na naman si Diego, after magpahinga for a time, after niyang gawin ang Los Bastardos.
Tampok siya sa series na Encounter, which is a local adaptation of a Korean series, co-starring him with a new leading lady, Cristine Reyes.
A production of Viva, Cignal at Sari-Sari, at the helm is Jeffrey Jeturian.
May bago nga palang inspirasyon si Diego, si Barbie Imperial.
Of Barbie, guess what, Salve A., she has in common with Diego’s dad, Cesar?
They both mark their birthdays August 1.
Cesar was born August 1, 1962; Barbie, August 1, 1998.
- Latest