Lyca, ibebenta ang napanalunang bahay
Sa unang pagkakataon ay nakabili na ang kauna-unahang The Voice Kids Philippines grand champion na si Lyca Gairanod ng kanyang first car - installment basis kamakailan lang.
Sa Tanza, Cavite pa rin nakatira hanggang ngayon si Lyca kasama ang kanyang pamilya. Since malayo ito sa kanyang line of work, necessity sa kanya ang sasakyan.
As early as last October ay umabot na sa mahigit one million ang subscribers ni Lyca sa kanyang YouTube account at ito ang nakatulong sa kanya at sa kanyang pamilya during the lockdown hanggang ngayon.
Ang P2-M cash money na napanalunan ni Lyca sa The Voice Kids (Philippines) ay nasa trust fund at ito’y maa-access lamang niya kapag eighteen years old na, dalawang taon mula ngayon.
Dahil delikado ang pangingisda, pinatigil na ni Lyca ang kanyang ama at sa halip ay ito na ang nagda-drive sa kanya ngayon kung meron siyang commitments habang ang kanyang Ate Jessa naman ang kasa-kasama niya sa kanyang mga lakad.
Sampung magkakapatid sina Lyca at siya’y pang-lima pero namatay ang isa pagkapanganak.
Ang kanilang kahirapan ang naging inspirasyon kay Lyca na magsikap sa kanyang singing career para makatulong sa kanyang pamilya.
Public knowledge na isang mangingisda ang ama ni Lyca habang ang kanyang ina at silang magkakapatid ay namumulot ng mga plastic, cartons at iba pang basura para pandagdag sa gastusin sa kanilang pamilya. “Hiwa-hiwalay kaming magkakapatid para makarami,” pagbabalik-tanaw ni Lyca na nagbabalik-showbiz sa tulong ng Viva.
Plano namang ibenta ni Lyca ang kanyang napanalunang bahay sa The Voice Kids na nasa General Trias, Cavite at ipapaayos na lamang nila ang kanilang tirahan ngayon sa Tanza.
Ang pop superstar na si Sarah Geronimo ang naging tulay ni Lyca sa kanyang paglipat sa Viva at looking forward din siya sa kanilang music collaboration and other future projects.
Jao, pangarap maging direktor
Balik-Viva ang actor-painter na si Jao Mapa matapos itong lumagda ng talent management contract with Viva Artists Agency (VAA) noong nakaraang Miyerkules ng hapon.
Looking forward si Jao to a busier 2021.
Hindi ikinakaila ng actor-painter na ang kanyang pagpipinta ang `sumagip’ sa kanyang pamilya noong panahon ng lockdown dahil marami siyang paintings na naibenta.
Dahil sa lockdown, nagkaroon siya ng panahon sa kanyang pamilya at pagpipinta.
Although naging bahagi si Jao sa dating youth-oriented prog ram ng ABS-CBN na Ang TV, sa pelikulang Pare Ko siya nakilala nang husto. Ang nasabing pelikula ay tinampukan din ng Guwapings na sina Mark Anthony Fernandez at Jomari Yllana kasama si Claudine Barretto.
Nasa bucket list din ni Jao ang makapagdirek balang araw at ito’y kanya na ring ipinarating sa big boss ng Viva na si Boss Vic del Rosario.
- Latest