Karay-karay ni Nathalie Hart ang mestizang anak na babae na si Penelope nang makausap ng entertainment press. Wala na sila ng ama ng anak na Indian kaya naman nakatuon na ang focus niya sa career at bagong-tayo niyang negosyo na Gayatree organics.
Paminsan-minsan lang kasi ang suporta sa kanya ng ama ng anak at wala rin siyang lovelife kaya para sa anak ang lahat ng ginagawa ngayon.
Samantala, mapapanood si Nathalie ngayong Sabado sa Maalaala Mo Kaya sa kuwento ng millennial queer women. “Tungkol sa mga tibo. Lesbian role. Excited ako na nagawa ko ‘yon at nalunok ang role na ‘yon. I think I made justice to the role,” sey ni Nathalie.
At nahirapan siyang gawin ‘yon. “Mahirap siya! Mahirap kapag ang gusto mo talaga, lalaki! You try to think you’re in love with a woman. Ang hirap pala!” deklara niya.
“Mas madali sa aking makipagtitigan sa lalaki, kahit sinong aktor kesa sa girl!” dagdag niya.
Hindi siya nakaranas na ligawan ng tomboy. “Hindi eh. Siguro doon pa lang tatapusin ko na! May nagpapapansin!” diin niya.
Kung ang ibang babae, mas gustong maligawan ng tibo, para sa kanya mas gusto naman niya ang bading, “Siguro mas pipiliin ko ang bading! Kasi at least, parehas ang gusto namin,
“Kung tibo, kasi, magkaiba kami. I think I can be in a relation with a bading kesa sa tomboy!” rason niya.
May kasunod nang TV series na gagawin si Nathalie at sinu-shoot ngayon ang pelikulang Kunwari Mahal Kita kasama sina Joseph Marco at Ryza Cenon.