Javi, nahahasa na sa showbiz

Javi Benitez

Si Javi Benitez pala ang president ng Brightlight Productions.

Baka kaya pumasok ng showbiz si Javi ay para makita na niya at ma-feel ang mga dapat gawin once nag-fulltime siya as President ng production ng family nila.

Graduate sa US ng dalawang kurso si Javi, at hasa sa corporate approach dahil sa mga negosyo ng pamilya nila. Siguro nang pasukin ng Benitez family ang showbiz by producing movies and tv shows naisipan ni Javi na why not feel and experience first hand ang mga bagay-bagay sa negosyong ito by getting immersed sa mismong mundo nito.

Ang galing nga nang ginawa niyang immersion, from the bottom eh ito siya presidente ng isang production company.

Ang galing ng ‘start up’ experiment niya ha, now alam niya na how a production is working para sa isang serye or movie. By the time na siya na talaga ang hahawak seriously ng Brightlight, hindi mo na siya maililigaw sa mga desisyon dahil alam na niya ang ilang pasikot-sikot at bagay sa paggawa ng serye at movies.

I think Javi will be the future Carlo Katigbak or Annette Gozon, actively working on their company and bringing it up to success. For now, hayaan muna natin siya sa kanyang mga trabaho in front of the camera as Javi Benitez, the aspi­ring actor, then later President Javi Benitez of Brightlight Productions.

Spring cleaning...

Kahit ano yatang spring cleaning ang gawin ko, sa rami ng mga basura na naipon ko sa buhay ko, ganun pa rin karami ang nakikita ko na dapat ayusin.

Hoarder pa naman ako, tapos ang hilig ko sa mga senti-senti - itago ito dahil bigay ni ganito, itabi ko iyan dahil souvenir iyan ng ganito at ganyan. Thru the years, ang dami mong clutter na sure naman hindi rin magugustuhan ng mga iiwanan mo. Iyon mga souvenir kaya na itinago ko itatago rin ng mga anak ko? Sure ako hindi, kaya nga dapat now pa lang dahil 74 na ako sa May, i-clear ko na ang mga clutter ko.

Kaya lang tuwing uumpisahan ko, distracted naman ako dahil itinatabi ko pa rin iyon mga bagay na nakikita ko. Dapat talaga, clear out without looking or reading para hindi na ma-distract.

Ewan ko ba, siguro naman meron din mga tulad ko na mahilig magtago ng mga bagay, mga souvenir na para bang forever mabubuhay sa mundo.

Naku, kaloka na pati mga wedding invitation, cards natatabi ko pa, siyempre hindi naman iyon memories ng mga anak ko so keber nila kung sakali di bah?

Iyon memories siguro sa utak na lang talaga natin at sa puso, iyon mga letter, mga kung anik-anik huwag na itago.

Ang dami na ngang kalat sa buhay mo, pati mga bagay na hindi naman importante, nagkalat pa rin sa bahay mo. Naku, linisin na nga mga iyan.

Show comments