Pinagalaw... Demi Moore, nagbago ang hitsura ng mukha

Demi Moore

MANILA, Philippines — Nag-viral ang bagong hitsura ni Demi Moore nang lumabas ito sa Fendi fa­shion show during Paris Fashion Week.

Marami ang hindi naka-recognize sa 58-year old actress dahil malaki ang pinagbago ng mukha nito. Usap-usapan ng marami ay baka nag-undergo ng plastic surgery si Demi during the pandemic. “Demi Moore appears in Paris looking nothing like Demi Moore,” post sa Twitter ng isang nakapanood ng fashion show.

Ang ibang netizens ay nag-post ng old photos ni Demi at tinabi ito latest na hitsura ng aktres na ang laki ng pagbabago. “She looked so much prettier just a year ago,” tweet ng isa pang netizen.

Kilala si Demi sa kanyang obsession na laging magmukhang bata. Gumagastos daw ito ng libu-libong dolyares for plastic surgery sa iba’t ibang parte ng katawan niya at ngayon pinagalaw na niya ang mukha niya.

Show comments