Dahil yata sa hindi ako pinapasok sa Red Crab para kumain, maaga akong nakatulog noong Huwebes ng gabi.
‘Kaloka talaga na para bang ngayon ko lang na-realize na magsi-74 na ako sa May at senior na ako, hah hah. Kasi naman welcome ako sa ibang resto tapos sa Red Crab, no entry ako. Eh na-feel ko pa naman na kaya sad na sad si Pat-P dahil torn siya sa issue ngayon nina Papa Albee Benitez at Direk Johnny Manahan.
Siyempre, friend niya si Direk Johnny, at boss niya si Papa Albee, kaya hindi niya alam kung saan lulugar.
Pero naawa lang ako na si Papa Albee dahil nawalan na ng pera dahil sa lugi ng shows pero parang siya pa ang lumalabas ngayon walang isang salita.
At ito, lugi na nga siya, nagbigay pa pala ng half month bonus para sa employees ng Brightlight Productions noong Christmas. ‘Di ba isa itong sign of generosity ni Albee na sa loob lang ng five months, kahit lugi na tayo, give pa rin kita ng bonus?
Problema rin ni Pat-P na lahat pala halos ng employee ng Brightlight sa office, siya ang nag-recruit, mula sa sales, marketing, lahat halos ng 36 na tao sa loob ng office ay si Pat-P ang kumuha. Ngayon problema niya kung ano ang mangyayari sa mga ito. Why, ‘di ba buti nga kahit sa loob ng five months ay nabigyan sila ng trabaho ni Papa Albee, so now, ‘di ba dapat thankful ka roon?
In any case, I think si Papa Albee has all the right to decide, pera niya ang umaandar, kung ano ang gusto niyang gawin, bahala siya. Kahit naman siguro siya ay hindi gustong tapusin na agad ang mga programa, pero talagang parang gripo ang tulo ng tubig, walang hinto, at baka maubos naman ang lalagyan niya.
Sabi nga, kahit ano namang paghihiwalay ay bitter at masakit, iyan ngayon ang nangyayari sa mga nawalan ng show. Ang masakit pa kay Papa Albee, nalaman niya na mas malaki pa pala sa TF ng ABS-CBN ang binibigay niyang TF kina Piolo Pascual at Maja Salvador.
Walang nakitang protection si Papa Albee sa mga naganap na nego, kaya pala ang laki ng production cost.
Lesson learned, kaya nga lang, ang sakit at laki ng matriculation fee.