^

Pang Movies

Bonifacio, bubuhayin uli sa pelikula ng Regal

#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo - Pang-masa

Maambisyon ang next project ng Regal Entertainment na pamamahalaan ng producer na si Dondon Monteverde at ididirek ni Erik Matti.

Tungkol ito sa buhay ni Andres Bonifacio. Ayon sa executive producer na si Dondon eh magsisimula ito sa first quarter ng 2021. “We promise that in this new movie, the public will learn astounding revelations never before heard about Andres Bonifacio,” saad ni Dondon.

May takot noon si direk Erik na gumawa ng period movie. Pero nang malaman ang iba pang detalye ng latest Bonifacio movie, “Now, I think I am ready to face those fears. We are ready to work hard on knowing the facts and be ready too to make a piece of cinema that’s worth experiencing without the feeling of being lectured on it,” rason ni Matti.

Ilan sa alam naming lumabas na sa bioflick ni Bonifacio ay sina Alfred Vargas at Robin Padilla.

May balita na kami sa kung sino ang lalabas na Bonifacio sa project nina Dondon at Erik pero tikom muna kami dahil baka magkapalitan pa, huh!

NCAA players sina Marian, Heart, Maine  at Julie Anne ang tina-target na muse

Mabenta pa rin si Marian Rivera bilang muse ng basketball team. Isa si Yan sa pinagpipiliang muse ng Letran Knights sa pagbubukas ng coming NCAA season na  pinili ang GMA Network na official broadcasting  partner ng mga laro.

Isa si Marian sa top picks ng koponan na maging muse. Ang iba ay sina Heart Evangelista, Maine Mendoza at Julie Anne San Jose ayon sa report ng gmanetwork.com.

Gusto ng Letran player na si Marc Paolo Javillonar ang tandem nina Yan at Dingdong Dantes. Fan naman ni Julie Anne si Christian Fajarito.

Ang coaches naman ng team ay gusto si Heart para maging muse ng Knights sa Season 96.

Kahit may asawa’t dalawa nang anak si Marian, malakas pa rin ang appeal niya sa kalalakihan, huh!

DONDON MONTEVERDE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with