^

Pang Movies

Roxanne, hindi pinakikita ang mukha ng asawa

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa
Roxanne, hindi pinakikita ang mukha ng asawa

Bigla na lang ibinalita ni Roxanne Barcelo sa mismong araw ng Kapaskuhan na kasal na siya. Nag-post ang aktres sa kanyang Instagram account ng mga wedding photos niya kasabay ng paglabas ng kanyang vlog sa YouTube kung saan ay inamin niyang nagpakasal na siya.

Caption ni Roxanne sa wedding photos na ipinost niya, “Merry Christmas from me and my husband.”

Sa isa namang wedding photo, she wrote, “My Creator’s best gift ever.”

Sa kanyang YouTube vlog naman titled “Hear Me Out” ay nagbigay ng 12 updates sa kanyang buhay si Roxanne at sa ika-12 update, ipinakita niya ang suot na wedding ring and said, “the 12th update is that I got married!”

Patuloy niya, “Roxanne is officially married. I am taken! Like I said in my vlog before, he is worth the wait. And guess what, so am I.”

Pero ang nakakaintriga, hindi niya sinasabi kung sino ang guy kaya pahulaan pa tuloy ngayon. Sa mga larawan kasi na ipinost niya ay nakatalikod ang asawa niya kaya hindi makita kung sino ito.

Pero kahit nakatalikod, mukhang guwapo naman ang guy, mataas at maganda ang katawan.

Vice nami-miss ang kangaragan ‘pag Pasko

Since wala ngang Metro Manila Film Festival entry si Vice Ganda nga­yon, supporter lang siya this year at pinanood na lang ang mga pelikulang kasali.

Pero aminado siyang nami-miss din niya ang pagiging ngarag ng may entry sa MMFF.

“Dec. 25, 2020 Walang MMFF first day kaba and ngarag. Walang cinema tours. Walang mall tours. Walang kaliwa’t kanan na texts and calls from VIVA and Star Cinema kung magkano na ang gross every after screening hours. Tahimik lang. Kalmado lang. ibang iba. Kakamiss din,” tweet ni Vice.

Kahapon ay nag-tweet siyang napanood na niya ang Fan Girl at ang ganda ng kanyang review.

“Btw congratz sa FAN GIRL!!! Pinanuod ko sya bago mavorlog. Ang ganda! Ang galing ni @mepauloavelino!!! (Bukod sa may papwet at pa-ulo ng ninja turtle!) Charlie Dizon is gold! Congrats po Direk @tonetjadaone!!! Mang Kepweng is next. Lets support MMFF2020,” ang tweet ni Vice.

vuukle comment

ROXANNE BARCELO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with