Jayson, takot isumbong ni Tulfo

Jayson

Alam mo, Ateng Salve, sa old gag show nila sa ABS-CBN, aliw ang panggagaya ni Jayson Gainza kay Boy Abunda. In fairness, kuha naman ni Jayson si Kuya Boy, kaya sa virtual presscon kahapon ng Sunday ‘Kada gag show nila na produced ng Brightlight Productions ni Mr. Albee Benitez for TV5, inusisa ko ang komedyante kung sino naman ang gagayahin niya doon? Si Raffy Tulfo raw.

Actually, nang sabihan ko si Jayson na magpa-sample ng panggagaya niya kay Idol Raffy ay parang alanganin siya, pero ginawa pa rin niya at nagbirong baka siya naman ang isumbong ng pamosong TV/radio host.

Pero kung medyo alanganin si Jayson sa panggagaya niya kay Idol Raffy kahapon, sa mismong taping daw nila, sobrang nag-transform daw ang komedyante at parang siya mismo ang pamosong TV/radio host.

So, for sure sa Sunday ay aabangan sa Sunday ‘Kada ang panggagaya ni Jayson kay Idol Raffy, huh! Naku, dapat bang kabahan si Jayson at baka siya naman ang ratsadahan ni Idol Raffy sa show nito sa TV5 at pati na rin sa radio program nito sa 92.3 FM? Well…

Kathryn, nag-blowout kay Daniel

Ang COVID-19 swab test ngayon ng cast ng The House Arrest of Us ng Star Cinema sa ABS-CBN compound. From there, diretso na sila sa lock-in taping nila sa Batangas.

May mga eksena pa silang naiwanan para sa digital movie series nila na magsisimulang ipalabas sa KTX.ph on October 24 (the next day naman ay magsisimula sila sa iWantTFC app).

Dapat ay tapos na talaga ang shooting ng digital project na ‘yon nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla, pero siyempre mas gusto pa ng Star Cinema na mas mapaganda ‘yon kaya may mga kailangan pa silang kunan.

Maraming Kapamilya stars willing maghintay, hindi naengganyong lumipat

Marami palang ibang Kapamilya stars ang kinumbinsi rin ng isang dating ABS-CBN executive na lumipat din ng ibang TV network, pero may mga nagsabing they will stick with the Kapamilya network.

Willing sila to wait muna na makabalik sa free TV ang ABS-CBN.

At ngayong may A2Z Channel 11 nga na ipinapalabas na ang ibang shows nila, ang mga artistang ‘yon daw ang priority ng ABS-CBN na bigyan ng shows. Ang bongga! ‘Yun na!

 

Show comments