^

Pang Movies

Neil Ryan Sese kinarir na ang pagtitinda ng seafood

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa

Dahil sa wala pang schedule na binibigay ang GMA-7 para sa pag-resume ng tapings ng mga teleserye, nagiging maabilidad ang ibang Kapuso stars para may kitain sila kahit paano.

Isa na rito ay ang character actor na si Neil Ryan Sese na hindi nahihiyang ipakita na pansamantala ay bike delivery guy siya.

Pinasok ng aktor ang seafood business bilang alternative source ng income niya nang magkaroon ng tatlong buwang quarantine. Si Neil mismo ang nagde-deliver ng mga seafood order sa pamamagitan ng pagbisikleta.

Nakasama nga si Neil sa short documentary ng Padyak Exploration na tungkol sa day-to-day life ng mga food courier na gamit ang kanilang bisikleta.

Sa experience ng aktor, naramdaman niya ang tinatawag na act of bayanihan mula sa kanyang mga kaibigan, in and out of showbiz, dahil sa pagsuporta nila sa pinasok niyang negosyo para may ikabubuhay ang kanyang pamilya.

“At least ngayon may panggastos lang ako araw-araw. Kumikita siya, hindi ganoon kalaki kasi ‘yung seafood naman hindi ganoon kalaki ‘yung mark-up niya, by volume lang talaga kami,” sey ng aktor.

Nagpaalala lang si Neil sa mga kapwa niya bikers na i-observe ang road safety parati. At sana raw ay madagdagan pa ang bike lanes para napoprotektahan ang mga tulad nilang mga biker.

“Yung mga car owner naman, sana maging mabait din po kayo sa mga biker. Fragile po kasi ‘yung mga biker sa kalsada. Kaunting sagi n’yo lang po sa amin, malaking damage na po ang mangyayari. Malaking tulong po sila sa atin. Nakakabawas din po sila ng traffic, napapaganda nila ang hangin.  Ang laki ng respeto ko sa kanila. Grabe, sobrang hirap po ng ginagawa nila. Kung may nagde-deliver sa inyo, at least i-offer n’yo man lang ng tubig kasi mahirap po ginagawa nila.”

Kasama pala si Neil sa cast ng GMA teleserye na Descendants of the Sun.

Tatlong local films sasabak sa Locarno

Kahit may global pandemic, tuloy ang pakikipag-compete ng mga Filipino film sa international film festivals.

Tatlong Filipino films ang kalahok sa 2020 Locarno Film Festival in Switzerland ngayong August 2020.

Makakasama ng tatlong Pinoy films ang 17 other films na mula sa iba’t ibang bansa.

Ang mga Pinoy films na ito ay Tropical Gothic ni Isabel Sandoval, Zsa Zsa Zaturnnah vs the Amazonistas of Planet X ni Avid Liongoren, and Filipiñana ni Ram Mendoza.

Kasama sila sa Locarno projects that showcase the creative wealth of cinema while “they reveal the urgency with which their makers want to tell stories and share their views on the society they live in.”

Magsisimula ang Locarno Film Festival sa August 5-15 at mapapanood ito sa kanilang official website.

NEIL RYAN SESE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with