Online sellers pinag-iinitan sa pagbubuwis!

Paano na ang para sa Charity?

NAKU, nakaamba na ang pagbubuwis sa mga online seller dahil ayon sa news reports eh need na nilang magparehistro, huh!

Nagsulputan na parang kabute ang nagbebenta sa online dahil sa pandemic na hatid ng COVID-19.

Mahirap mamalengke at mamili sa groceries at supermarkets kaya naging source of income ang bentahan sa online para magkaroon ng pera.

Sa mga artista, nangunguna si AiAi de las Alas sa ginawang negosyo ang pagbebenta ng mga tinapay na siya ang nag-bake. Eh malakas dahil bukod sa ube-cheese pandesal, eh may iba pa siyang tinapay na bine-bake.

Eh paano naman ‘yung nagbebenta para makatulong sa frontliners at in need ng pagkain sa nawalan ng trabaho?

Si Heart Evangelista, nagbenta ng paintings habang si Kim Chiu eh nagbenta ng Bawal Lumabas shirts para sa mass testing projects ng grupo ni Angel Locsin. Isa sa senators na umalma sa panukalang buwisan ang online sellers ay si Risa Hontiveros.  Unahin muna ang POGO na singilin ng taxes bago ang kababayan nating online sellers, huh!

Paano na, Salve? Hindi ka na nga makapag-shopping ngayon kaya siyempre, patronize mo na rin ang produkto sa online! (Wawa naman mga online seller tito. Kaloka naman. Daming puwedeng unahin. :) - Salve)

Show comments