Salamat naman at pinayagan na ang pagbubukas ng mga simbahan. Kahit ano pang sabihin, you feel safe pag nakakapunta at nagdarasal ka sa loob ng simbahan.
Actually, nagustuhan ko na iyon mass ni Father Tito Caluag sa Metro Channel 52 tuwing Linggo, 8:00 ng umaga. Para ngang mas taimtim pa ang naging pagdarasal ko dahil mag-isa lang akong nakatitig at nakikinig sa misa sa tv.
Maganda rin ang mga homily ni Father Caluag, hindi mahaba at maganda siyang magsalita. Pero iba pa rin talaga iyon nasa loob ka ng simbahan, iba pa rin iyong emotional peace na nararamdaman mo.
Thank you at puwede na uling magsimba.
‘Wag excited lumabas’
Hindi mo naman masisi iyon mga gustong makita ang labas after ‘makulong’ ng 2 buwan sa bahay. Siguro iyon iba nag-rush out lang to see what is outside now, hah hah. Buti nga wala pang masyadong public transpo, at mga private car kundi lalo pa sigurong dumami agad ang mga taong nasa labas.
Pero huwag ho kayong masyadong excited, ngayon po ang peak ng virus, mga June/July kaya mas lalo pang pag-iingat ang dapat nating gawin.
Doble, triple habang wala pang vaccine para sa covid 19, patuloy pa rin tayo maging vigilant.
At sana iyong wala naman talagang gagawin at hindi importante, iwasan muna ang lumabas.