Direk Peque naiwan ang Magikland
Peque Gallaga is dead. Sayang at hindi na niya inabutan ang showing ng last movie niyang Magikland na produce ni Cong. Albee Benitez para sa kanyang theme park sa Bacolod.
Sana nga ay nakasama sa last filmfest ang pelikula pero kulang pa ang animation kaya hihintayin sana ang darating na filmfest sa December.
Tapos na ang animation at editing na lang ang ginagawa. Kapartner ni Peque Gallaga sa paggawa ng movie si Lore Reyes kaya walang magiging problema.
Mabait na director si Peque Gallaga kaya marami ang nalungkot ng mabalitaan ang kanyang pagkamatay. Rest in peace Peque, now nasa totoong Magikland ka na. Goodnight.
DSWD at DILG pinaka-maingay ngayon
Ang DSWD ang agency of the hour. Sila ang may hawak ng ayuda o SAP kaya sila ang pinaka-hot ngayon, aside from DILG. Dapat sa nangyayari ngayon, maging very observant ang mga taga-department na ito para ma-master na nila lahat ng gagawin para sanay na sila pag dumating pa uli ang malalaking crisis.
Unang dapat maayos ay iyong master list ng mga dapat talagang tulungan. Iyon listahan ng mga pangalan na ngayon malaking problema dahil marami ang nagre-reklamo.
Dapat din maayos ng DILG iyon problema ng mga barangay na umaabuso at naging pabaya sa kanilang trabaho. Dapat pala maingat din tayo sa pagpili ng barangay officials natin.
By now siguro, pinag-aralan ng mabuti ng DSWD at DILG ang mga dapat gawin. At siguro naman, maaayos ito para wala nang marinig na reklamo tungkol sa ahensiya.
- Latest