Devastated ang feeling ni direk Joey Reyes sa pagpanaw kahapon ng premyadong director na si Peque Gallaga.
“I am devastated. I lost one of my greatest mentors. A lot of us are in great pain for this loss,” shout out ni Direk Joey sa kanyang Facebook.
Nitong nakaraang mga araw, nabalita ang pagkakaroon ng sakit ng director na inilabas sa isang statement bago binawian ng buhay.
Tumingkad ang pangalan ni direk Peque nang gawin ang mapangahas na pelikulang Oro, Plata, Mata.
Nagtuluy-tuloy ang pagiging magaling na director niya kasama ang co-director na si Lore Reyes.
Maraming pelikulang mapangahas na ginawa si Peque tulad ng The Unfaithful Wife.
Sa pagkakatanda namin, ang huling movie na dinawa ng director ay ang pelikulang The Seduction ng Regal na pinagbidahan nina Solenn Heussaff, Sarah Lahbati at Richard Gutierrez.
Ilan pa sa mga artistang nakatrabaho ni direk Peque ay sina Maricel Soriano, Cherie Gil at Daniel Fernando.
Ang aming pakikiramay…